BlissIce's Note:
Eto na po yung Chapter 3. I'll be posting the Chapter 4 tomorrow. Enjoy Reading! Lovelots!
Nasa side nga pala yung Dance Club. ^^
...♥...
QUEENIE’s POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin para maglinis. Syempre, mabait ako eh. Kahit wala pang assigned cleaners naglilinis ako. At karamay ko si Chase. Ganyan kaming magkaibigan, kung nasan yung isa dapat nandun rin yung isa. Lagi kaming magkasama dalawa.
“Uy! May notice, tingnan natin.” pangungulit niya sakin. Binasa namin yun. Hmmm. Cheerdance? Pwede!
“Sasali ako!” Oo. Gusto ko talagang sumali.
“Sigurado ka na diyan? Pwede pa magback-out…” sabi ni Chase. Minsan talaga. Ang sarap nitong batukan eh.
“Oo naman… I’ll join.” oo, wala nang makakapigil sakin. Desidido talaga akong sumali.
Nandito na kami ni Chase sa Auditorium. Waaaah! Ang galing talaga nila sumayaw!
“I’m Lawrence De Vera. I’m this club’s president. Auditionees, please fall in line. Joshua!” wow. Hantaray! Ang galing talaga niya sumayaw.
“First auditionee, Princess Queenie Royale. DJ” Shemay! Gulay! Ako ang first auditionee. Kinakabahan na ako. Nagsimula na yung tugtog pero…
“Lorraine, tingnan mo oh! Marunong ba yan sumayaw?” rinig kong sabi ni Samantha. Isa sya sa pinakamaganda sa school na ‘to. Magaling din sumayaw.
“Sa payat nyang yan, Imposible…” sagot naman ni Lorraine. Si Lorraine naman ang pinakamaganda sa lahat. Kung sayaw ang pagbabasehan, mas magaling sa kanya si Rica at Samantha, pero she got the curves.
“Wala na yan.” sabi naman ni Rica, ang pinakamagaling sumayaw sa kanilang tatlo.
Nang marinig ko ang usapan nila. Nawalan na ako ng gana sumayaw. Masyado akong nasasaktan sa mga panghuhusga na ibinabato nila sakin.
“Kanina pa nag-start yung tugtog oh! Di ka pa ba gagalaw diyan?! Ano ba?!” natigil ako sa pag-iisip matapos akong masigawan.
“You’re wasting our time. Marami pang nakapila oh!” Alam ko naman yun eh. This time, tumulo na ang luha ko.
“Sinasabi na nga ba.” rinig kong sabi ni Samantha.
Pinagtawanan ako ng lahat dahil dun. Wala na kong nagawa pa kundi ang umalis.
*takbo.. takbo.. takbo..*
Sa wakas, nakarating din ako. Dali-dali akong umakyat papuntang kwarto. Humarap ako sa salamin.
“Bakit ganun?!” umiiyak kong tanong. Gusto ko ang magsayaw. Sayaw ang isa sa mga hilig ko. Matagal ko ng gustong makasali sa Dance Club. Kung sumayaw lang sana ako at hindi nagpadala sa mga sinasabi nila.
In-on ko ang CD Player namin at nagpatugtog. Sumayaw ako sa tugtog. Sumayaw ako hanggang gusto ko. Napatigil ako. Ano ‘tong nararamdaman ko?
“Hah. hah. Hin-di a-ako maka-hinga.” ang sakit ng dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit prang pakiramdam ko nilalamon ako ng apoy. Sinubukan kong tumayo at buksan ang pintuan pero nagdilim na ang lahat.
....
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...