Chapter 12 {Flashback}

43 0 0
                                    

BlissIce's Note:

Ito na po ulit yung Chapter 12. Haha. Soon po makikita niyo na rin yung Characters. Baka matagalan rin po pala yung Next UD ko. Pagpasensyahan niyo na po ako. Don't worry, bawi din po ako sa inyo. :D

BTW, Enjoy Reading this Chapter! Need ko po ng feedbacks. :D

...♥...

QUEENIE’s POV

“Bumalik ako dito dahil hindi ko pa daw oras.” Pagsisimula ko. Nakita ko namang nagulat si Mama sa mga sinasabi ko.

“Kailangan kong hanapin ang 4 na taong may kinalaman sa buhay ko. At ang unang tao dun, si Prince Daryll Cortez. Di ba Ma, sabi mo dati may pinsan akong ganun ang pangalan? Baka siya yun, kasi kahit na kailan hindi ko pa siya nakikita.” sabi ko kay Mama.

Mukha namang alam ni Mama ang tinutukoy ko kaso bigla na lang siya naiyak sa harapan ko.

“Uhmm.. Queenie, anak.” pagsisimula niya. May guilt sa boses niya pero bakit?

“Patawarin mo ako. Si Prince? Kapatid mo siya. Hindi ako ang tunay mong ina. Tita mo lang ako.” natulala ako sa mga sinasabi ni Mama.

Pero anak, kahit na kailan hindi ko pinaramdam sayo na hindi kita anak. Itinuring kitang akin. Sorry at itinago ko sayo ang katotohanan. Sorry kung pinagkait kita sa totoo mong pamilya.” Pagpapatuloy niya saka tumitig sa mga mata ko.

Dun ko lang naramdaman na may tumutulo na rin palang luha sa mga mata ko. Masakit. Masyado akong nasasaktan.

“Pero Ma, sa anong dahilan?” pagtatanong ko. Kailangan kong malaman kung bakit niya ako nilayo sa totoo kong mga magulang.

“Nagalit ako sa nanay mo, which happens to be Prince’s Mother and my sister, Linda Cortez. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak kong si Eunice.”

*flashback*

“Ate Ruth, tara na.” sabi ni Linda sabay bitbitsa mga pinamili namin.

“O sige” sagot ko. Inalalayan niya naman akong sumakay sa kotse.

“Ate, ano nga palang balak mong ipangalan sa baby mo?” tanong niya habang nasa byahe kami.

“Hmmm. Eunice. Lily Eunice Royale. ^^ Isinunod ko siya sa pangalan ni Mommy. At yung Eunice naman, yun yung gustong pangalan ni Carlos kung sakaling babae ang baby namin. Sayang nga eh. Di niya na masisilayan ang paglaki ni Eunice.” sagot ko naman sa kanya.

“Okay lang yun Ate. Nandito naman ako eh.” sabay hawak niya sa tyan ko.

“Eunice Baby! Dalian mo nang lumabas ha. Excited na akong alagaan ka eh. Ibibili ka ni Tita ng lahat ng gusto mo!” sabay sumipa yung baby. Alam kong naramdaman ni Linda yun.

“Ate, sumipa siya! Gusto ako ni Eunice.” tuwang-tuwa siyang lumingon sakin.

*beep.. beep*

“Lindaaaaa!” tumingin siya sa daan kaya naiwasan niya yung truck kaya lang bumangga kami sa isang poste.

*end of flashback*

“Dahil sa galit ko noon sa kanya, nagawa kitang nakawin sa kanya. Nung una sinisisi ko siya sa pagkamatay ng anak ko. Pero nung nagtagal, nawala na rin ang galit ko sa kanya at tinanggap kong aksidente lang talaga ang lahat.” naramdaman ko naman na nagsisisi siya sa mga ginawa niya.

Patawarin mo sana ako anak. Di ko ninais na itago ito sayo habang buhay. Humahanap lang ako ng tamang tiempo.” paghingi niya ng tawad. Naiintindihan ko siya. Atsaka, kahit na anong mangyari. Siya pa rin si Mama. Siya ang nagpalaki at nag-aruga sakin.

“Salamat, Ma. Salamat sa pagsasabi mo sakin ng totoo. Naiintindihan ko. Hindi ako galit sa inyo, Ma. Kasi hindi naman kayo nagkulang ng pagmamahal sakin. Minahal niyo ako bilang anak at mahal ko rin po kayo bilang tunay kong ina. sabay yakap ko sa kanya.

RUTH’s POV

Pagkatapos ng pag-amin ko kay Queenie kahapon, napagdesisyunan ko na ang tungkol sa bagay na ito.

“Oh, Ate Ruth! Antagal na nating hindi nagkita ah. Bakit mo pala ako pinapunta dito?” bati sakin ni Linda sabay beso beso.

“Sumama ka sakin.” higit ko sa kanya.

Kagabi, pinag-isipan ko na talagang maigi ang tungkol sa bagay na ito. Kaya naman, tinawagan ko si Linda kagabi para sabihing magkita kami sa ospital kung saan siya nanganak.

“Pwede po bang magpa-DNA Test?” tanong ko sa counter ng DNA-testing.

Oo. Gusto kong ipa-DNA si Linda kay Queenie.

“Sino po ba Ma’am?” tanong sakin ng Doktor.

“Linda, Pahinging hibla ng buhok mo.” At kinuhanan ko na siya. Kinuha ko naman sa bahay yung lumang toothbrush na ginamit ni Queenie.

“Ano ba ate? Magkapatid tayo. Para san yan?” pabiro niyang tanong.

“Basta.” sagot ko sa kanya.

“Eto po.” abot ko naman sa Doctor nung kailangan. Sana lang talaga Linda, mapatawad mo ko pagkatapos mong malaman ang totoo.

....

When Destiny Played The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon