Chapter 20 {I love you... Goodbye}

24 1 0
                                    

BlissIce's Note:

Musta na kayo? Buhay pa ba? XD Waaaaaaahhhh! Last Chapter na po ito. After this my epilogue pa. ang magreklamo kung bakit parang bitin. Ibibitin ko patiwarik! Joke. XD So Enjoy Reading Friends. ^^

...♥...  

RINNE’s POV

Kalalabas lang ni Queenie. Alam kong hiniling ko ito pero bakit parang nagsisisi ako na hiniling ko pa ito.

Matagal na katahimikan ang naghari sa buong kwarto. Wala ni isa samin ang nagsasalita. Wala ni isa ang gumagalaw. Naririnig ko ang bawat paghinga naming dalawa. At mas lalo kong naririnig yung tibok ng puso ko. Bakit ganito? Mamamatay na lang ako siya pa rin?

“Sorry, Rinne. Di ko ginustong saktan ka.” bigla niyang binasag ang katahimikan. Di ko alam bakit pero naramdaman ko na lang na tumutulo na ulit ang luha ko. Di ko alam kung dahil ba dun sa sinabi niya o dahil na-miss ko talaga ang boses niya?

“I know. Alam kong di mo to ginusto dahil ako ang may gusto nito. I’m pushing myself hard on you even though I know you still love her.” Oo. Pinagtulakan ko masyado ang sarili ko sa kanya. Nakakainis! >.<

“But Brandon, nung mga panahon ba na magkasama tayo, ni minsan ba minahal mo ako?” I managed to say those words kahit alam kong di ko gusto marinig yung isasagot niya kasi alam kong hindi ako dahil all these years, siya pa rin. Sino ba kasi siya? Haha! Ako na sarcastic. Oo. Naiinggit ako sa babaeng never ko pang nakita nor nakilala.

“Rinne, alam mong minahal kita. Pero hindi gaya ng pagmamahal ko sa kanya.” Boom! Yun yun eh. Minahal daw niya ako? Di nga? Baka sinubukang mahalin pwede pa.

“Alam ko namang hindi ako siya eh. Pero sinubukan ko naman eh. Ginawa ko ang lahat para sayo. Pero sadyang… kulang ang lahat ng yun. Kung sabagay, hindi ako siya. At kahit ano pang gawin ko, hinding-hindi ako magiging siya. Tanggap ko naman eh.” Ang sakit. Alam kong umiiyak na ako. Halata naman eh. Grrr. >.< I hate this! Sinasabi kong tanggap ko pero hindi naman talaga.

“Ayoko ng ganito Rinne. Ayaw ko ng nagkaka-ganyan ka.” Ako din Brandon. Ayaw ko na rin ng ganito ako. T.T

“Sorry kung hindi ko nagawang harapin ka dati. Hindi lang kasi kita kayang makitang nasasaktan. Siguro nga baliw na ako, Rinne. Baliw na ako dahil I took you for granted. Please Rinne, I don’t wanna see you cry like that. Patawarin mo ako… Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo.” rinig kong umiiyak na rin si Brandon. Ito yung mga salitang alam kong kapag sinabi niya, mapapatawad ko na siya. Nakaka-inis! I loved this guy so much! >.< Sa totoo lang, matagal ko na naman talaga siyang napatawad eh.

BRANDON’s POV

“Brandon, matagal na kitang napatawad. Thank you for being part of my life. Thank you because …” at pumikit na lang bigla si Rinne. Wag mong sabihing?

Tinignan ko yung machine, at nakita kong flatline. Shit! Bigla akong tumakbo papuntang pintuan.

“Si Rinne po…” yun lang ang nasabi ko.

“Gian, call the doctor.” Sabi nung tatay ni Rinne. Nagmadali naman si Gian na tumakbo papunta dun sa Doctor. Maya maya pa. Nakita kong nagmamadali na yung mga Doctor papunta kay Rinne. Hawak ni Gian yung kamay niya habang kinukuryente siya. Nakatatlong ganun yung Doctor tapos tumigil na yung Doctor at saka umiling.

“No, she can’t be dead.” sabi ni Gian saka siya tumakbo. Hahabulin ko na sana siya kaya lang pinigilan ako ni Mr. Castro.

GIAN’s POV

When Destiny Played The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon