BlissIce's Note:
Hello po! Ito na po yung Chapter 7. Please read! ENJOY! Uhmmm. Mabilis lang po update nito since tapos na rin naman siya. Atsaka may *ssshhh* Abangan niyo na lang. Vote. Comment. Be a Fan. :D
Salamat po pala sa mga patuloy na nagbabasa nito. Mahal ko kayo! >:D< Pakibasa na rin po pala yung short story ko na SAYANG... Enjoy reading!
…♥…
BRANDON’s POV
Nandito na ako ngayon sa loob ng kwarto ni Queenie. Nilapitan ko siya.
“Hmm.. B-Brandon? Bakit ka andito?” medyo gulat niyang tanong.
“Anong sakit mo?” hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip, ako ang nagtanong sa kanya. Di ko maiwasan ang hindi mag-alala, lalo n kung tungkol it okay Queenie.
Nag-usap lang kami ni Queenie. Ipinaliwanag niya sakin ang tungkol sa sakit niya. Meron pala siyang HCM at malala na daw ito.
“Kaya please, Brandon. Itakas mo ko dito. Ayokong makulong sa apat na sulok na puting kwartong to.” nagulat ako. Ito ang hinihingi niyang pabor sakin?
“Pero kasi..” sagot ko sa kanya. Hindi ko kayang gawin ang hinihingi niyang pabor. Ayaw ko siyang mapahamak. Alam kong pwede gagaling siya kung mananatili lang siya dito sa ospital.
“Please..” pagmamaka-awa niya sakin. May magagawa pa ba ako. Eh ang hirap nitong tanggihan. Ahh. Ewan. Bahala na.
“Sige na nga. You’re just so hard to resist.” Oo. Hindi kita kayang tiisin Queenie.
Kinuha namin ang bedsheet ng kama niya at kurtina. Pinagdugtong koi to at siniguradong mahigpit ang pagkakatali. Hindi naman ganun kataas ang kwarto ni Queenie mula sa baba. Sapat na ang bedsheet at dalawang kurtina para makababa.
Nauna akong bumaba atsaka ko siya inalalayan. Kinailangan naming tumakbo dahil natuklasan ito ng mga Nurse ng ospital at hinahabol nila kami.
“Tabi dyan! Nagmamadali kami.” sigaw ko kay kuyang naninigarilyo na nakaharang sa daan.
Tumatakbo pa rin kami ng biglang bumitaw si Queenie atsaka siya natumba.
“I c-can’t b-breathe, Bran-don. Hin-di n-na a-ta a-ako magta-tagal.” Hirap na hirap niyang sabi. Di ko na naman alam ang gagawin ko. Masama ang pakiramdam ko sa mangyayari.
“Pero… Queenie. Kayanin mo.” Sinabi ko yan habang hawak-hawak siya sa mga bisig ko.
“B-Brandon. Please paki-sabi kina Ma-ma na ma-hal na m-mahal ko si-la. P-Paki-sabi na…”
“Sshhh… Hindi Queenie. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na ngayong nakita na kita, iiwan mo ako. Paano na lang ako Queenie? Mahal kita. Please naman oh! Lumaban ka.” Umiiyak kong paki-usap sa kanya. Oo, mahal ko si Queenie. Simula pa bata kami gusto ko na talaga siya. Siya ang dahilan ng pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Pero bakit ganito ang nangyayari samin? Kung kelan naman nakita ko na siya..
“M-Mahi-rap eh. Nahihi-rapan ako. A-alam kong hin-di n-na din na-man ako magta-tagal eh. Pe-ro b-bago ako ma-wala… B-Brandon, gus-to k-kong mala-man mo na..” hindi niya na natapos ang sasabihin niya.
“Queenie?.. Queenie!!” sigaw ko.
Pakiramdam ko, namatay na rin ako. Nandun lang ako at yakap yakap ko lang siya. Umuulan, pero wala akong paki-alam. Nasasaktan ako. Nandun yung mga Nurse pero wala na rin silang nagawa. Wala na talaga siya… at kasalanan ko yun.
....
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Novela JuvenilPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...