BlissIce's Note:
Hi friends! Ito na po yung Chapter 13. Hehe. Oo nga po pala. Mawawala po ako saglit. May kailangan po kasi akong tapusin. But I promise I'll be back after a week. At may regalo ako sa inyo. :D
Anyways, ENJOY READING! :D
...♥...
RUTH’s POV
Ito na. Ngayong na ang araw kung kelan makukuha yung resulta ng DNA test.
“Eto na po ang resulta. Sinasabi po dyan na mag-ina kayo.” sabi ng doctor kay Linda.
“Nino?” naguguluhan niyang tanong.
“Ni Princess.” sagot ko sa kanya.
“Ako ang kumuha kay Princess.” sabi ko sa kanya. Basang basa ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Gulat na gulat siya.
“Wag ka ngang nagbibiro ate! Alam kong hindi yan totoo.” pabiro niyang sabi.
“Totoo ang sinasabi ko sayo. Ako ang kumuha kay…”
*slap*
Bigla niya akong sinampal. Alam ko nasaktan ko siya at deserve ko ‘to.
“Pero bakit ate? Bakit?” umiiyak niyang tanong sakin.
“Naaalala mo ba nung naaksidente tayo? Yun yung araw kung kelan namatay ang anak kong si Eunice. Kung hindi mo sana tinanggal ang tingin mo sa daan, buhay pa sana si Eunice hanggang ngayon. Pero ang pagkuha ko kay Princess mula sayo ay pinagsisisihan ko.” sabi ko ng medyo naluluha na. Oo. Pinagsisisihan ko talaga yun.
“Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng anak. Linda, patawarin mo sana ako.” umiyak na ako ng tuluyan.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Walang umiimik ni isa saming dalawa. Bigla akong nilapitan ni Queenie sa likod ko at niyakap niya ako. Dun ko lang naalala na kasama ko pala siya. Sasabihin ko na kay Linda.
“Eto nga pala si Princess. Ay mali! Hindi siya si Princess dahil namatay si Princess dahil sa sakit niya na namana niya siguro sayo. Kaluluwa niya ang nasa katawan na yan.” sabi ko kay Linda. Kitang-kita ko kung gaano siya nagulat sa mga sinabi ko. Alam ko, kahit sinong tao, hindi ako papaniwalaan sa sinasabi ko. Tulad na lang ng pagdududa ko kay Queenie nung unang beses niya itong ikinuwento sakin.
“Papa-anong?” takang takang tanong ni Linda.
Nilapitan ko naman si Queenie at sinenyasang siya na ang bahalang magpaliwanag.
Naipaliwanag naman niya ng maigi kay Linda, at alam kong naiintindihan niya iyon.
“Wala akong paki-alam basta simula ngayong araw na ito. Sa bahay ka na titira.” sabi ni Linda ng nakangiti. Masaya ako dahil nakikita ko kung gaano kasaya si Linda.
PRINCE’s POV
Mommy Calling…
Bakit naman kaya bigla na lang tumatawag ‘to si Mommy? Sinagot ko ang tawag.
“Prince, nakita ko na ang kapatid mo. Nakita ko na si Princess.” Masayang-masayang balita sakin ni Mommy.
Teka? Tama ba rinig ko? Nakita niya na si Princess? Papaano?
“Buhay si Princess?” naguguluhan kong tanong. Naguguluhan talaga ako. Anong ibig sabihin ni Mommy dun?
“Hindi. Patay na si Princess pero..” ibinaba ko na ang call.

BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Novela JuvenilPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...