BlissIce's Note:
Friends! Ito na po ang last chapter ng story na to. Sorry if maiksi lang siya, kasi ito po ay para sa play namin sa Physics. Salamat sa lahat ng nagbasa nito pati na rin sa mga magbabasa. Sana nagustuhan niyo siya. Salamat po. Magkita-kita po ulit tayo dun sa next story ko. and sana po basahin niyo rin. :-D
...♥...
BRANDON’s POV
Mag-iisang taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon. Hayy. Buhay.Namimiss ko na siya kahit saglit lang kami nagkasama. Kaya lang, di ko pa rin makayang dalawin ang puntod niya. Naglakad lakad na muna ako puro Lovers naman dito. Badtrip!
“Student’s we will now start Our Science Fair 2012” rinig kong sigaw nung teacher sa Mic.
“Woooh!!” And as usual lakas ng sigaw ng mga estudyante.
“Uhmm. Pabili nga pong Almanac. Kulang pa yung collection ko eh.” Haha. Medyo nangiti naman ako dun sa gwardya. Kasi naman, naalala ko nung nakulong kami ni Queenie. Sabi ko “At last” kasi may nagbukas na nung pinto. Aba naglabas ng Atlas si Manong. Haha. Ayan naalala ko na naman tuloy si Queenie. Makapaglakad na nga lang sa kung saan.
May nakita naman akong pwedeng upuan. Umupo ako at pinanuod lang lahat ng tao.
“Liezel Babes, Anung gusto mo? Kiss?” sabi ni Chase.
“Che. Dun na lang tayo. Nagugutom na ako eh.”sagot naman nung babae sa kanya. Buti pa ‘to may lovelife.
Nakita kong may babae naman sa kabilang side.
“Nakaka-inis naman sila. Hmp.”rinig kong sabi nung babae.
“A-aray”Hala! Natumba siya. Nabangga siya nung lalaki. Anak ng tokwang lalaki ‘to! Tatayo na sana ako para tulungan siya pero
“Sorry, miss ha!” buti naman tinulungan din siya.
“Ayos lang.”sabi naman nung babae. Pero kung makatitig, kala mo nakakita ng prinsipe. Haha. Wag mong sabihing type niya’to? Ano to? Parang sinehan lang? Corny ah.
“Sorry talaga ha! I’m Allen Fuentes”pakilala nung lalaki.
“Rhian Lisette Alonzo, Nice to meet you!” pakilala rin naman nung babae.
Sa titigan nilang yan, parang alam ko na kahahantungan. Naku, naman! Ambilis ng pagpana ni kupido.
“May kasama ka ba? Sumama ka na lang sakin. Treat kita.”O.o Grabe! Ambilis naman nun masyado. Haha. Nakakatawa yung lalaki, parang nahihiya pa eh.
“Ah, okay!”
Buti pa sila nagkabanggaan lang may lovelife na agad. Hayy.
“Sam, pakitawagan nga si Lorraine.” sabi nung isang babae.
“Kasama daw si Dice eh.”sagot naman nung isa.
“Ganun? Sige na nga. Tara, dun tayo.” aya ulit nung babae.
May bigla namang nakakuha ng attention ko. May barkada kasing bigla na lang nagkita-kita tapos parang tanga lang at nagmales-taya.
“Guys, Meet Francheska Ramos. Wifey ko.”Ah! Kaya naman pala. Paunahan kung sino unang magpapakilala ng girlfriend nila. Sila na talaga.
“Magtigil ka nga sa kaka-wifey mo dyan! Yuck.”natawa naman ako dun sa reaction nung wife daw niya. Eh di sila na sweet.
“Hahaha”nagtawanan din naman yung barkada.
“Mga dre, Honey ko. Monica Manzano.” pakilala ulit nung isa.
“Hi! Kainis ka.” sabay hampas pa nun Monica.
“Ang cute niyo tingnan.” Yun naman yung comment nung barkada. Pero, totoo naman eh. Ang cute nila tingnan. Mas lalo tuloy akong nainggit.
“Uhmm. Ako na ba? Uhmm. Guys, Cristelle Leia de la Vega. Ang nag-iisang babaeng nagpatibok sa puso ko.” sabi naman nung isa pa ulit.
“Kaw talaga!” sabay kurot naman nung babae dun sa lalaki.
“Aww…. How sweet?!” Sila na talagang magbabarkada.
“Buti pa sila ang sweet…” sabi nung isang babae. Ay, nainggit?
“Ehem… ehem… Guys, may sasabihin ako.” sabay luhod nung lalaki.
“Allyra Lorraine Vicente, my baby, my sweetie, my honey, my darling, my love, and of course my life. Happy 6th Monthsary.” Napangiti naman yung babae.
“Dami atang langgam ngayon?! XD” sabi na naman nung barkada. Yung totoo? Lahat naman kayo dyan langgam eh. Badtrip! =_=
“Di mo daw ba man lang ipapakilala yan ha, Mr. Playboy?” Oh. So playboy pala yung lalaki kanina.
“Playboy?!” sabi nung Cheska ata yun.
“Playboy at Playgirl? Pwede. XD” sabi nung Monica. Mukhang magbabarkada yung tatlo.
“Pakilala ka daw.” sabi naman nung Allen. Well, halata namang type niya yung Rhian. Makatingin kasi.
“I’m Rhian Lisette Alonzo. Nice to meet you guys.” nagpakilala din naman siya.
“Kayo na dre?” Natawa naman ako sa tanong nung Gian.
“Kakakilala ko pa lang dyan. XD” which is true. Ako pa nga witness eh. Haha. Nakakatuwa rin naman pala ang mag-observe sa ginagawa ng ibang tao.
Okay? Tama na nga itong kahibangan ko na ito. Patayo na ako ng may makita akong isang babae.
“Queenie!” tawag ko naman dito. Hinabol ko yung babae pero bigla akong may nakabangga.
“Uhmm. Sorry miss. Pasensya na.” paghingi ko ng pasensya sabay habol ulit dun sa babae kanina. Hindi ko na masyadong napansin yung itsura ng babae.
“Ayos lang, Brandon!” rinig kong sigaw niya. Teka, parang pamilyar yung boses nung babae. At paano niya ako nakilala? Hindi kaya..?
Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Queenie yung narinig ko. Kaya lumingon ulit ako sa likod ko at napangiti ako ng nakita ko siya.
....
ALL RIGHTS RESERVED © 2013 of BlissIceCrestfall.
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...