Chapter 3 - Hate

10.7K 388 137
                                    

10:00 am pa ang pasok ko ngayon kaya naman hindi ako maagang bumangon. I laid on my bed hanggang 7:30 bago ako naligo at nagbihis. Next month pa ang official date nang pagsusuot namin ng uniform kaya naman puro civilian clothes ang suot ng mga estudyante.

One of the reasons kaya hindi ko napansing professor si Miss Vergara. Mukha lang din siyang kaedaran ng mga seniors namin. Siya ang pinakamaganda na nakita ko so far sa AAU. Siya rin ang pinaka masungit at ubod ng lamig sa katawan.

I don't usually praise other people pero her beauty is admirable. She is indeed God's favorite dahil sa gandang ibinigay sa kanya.

I am brushing my hair nang makatanggap ako ng text galing kay Alexis.

Alexis:
Dani, where u at? Tour tayo sa campus. I'll wait for you sa cafeteria.

I texted her back. Tutal plano ko rin namang gawin 'yon noon para rin hindi ako naliligaw.

Danielle:
Okaaaay. Wait for me, paalis na rin ako.

Pumara na ako ng tricycle at naglakad agad papuntang cafeteria. Nakita ko agad si Alexis sa pangalawang lamesa. She waved her hand nang makita ako at agad naman akong lumapit. She gave me a juice box and a burger.

"Spare ko 'yan kanina. Eat it, baka 'di ikaw nag breakfast." sambit niya at isinukbit na ang bag sa kanyang balikat.

Naglakad lakad lang kami around the campus habang etong kasama ko ay kilig na kilig sa mga nakikita niyang gwapo. Para akong may kasamang version 2.0 ni Belle, jusme.

"Kuyaaaaa!" sigaw ni Alexis nang mapadpad kami sa Engineering building.

Tinignan ko naman kung saan siya banda kumakaway. Pamilyar ang lalaking ngayon ay papalapit sa amin.

"Lexie, baby. Oh, you're with Miss Cortez. It's nice seeing you again." nakangiting bati niya sa akin. Kasama niya din ang lalaking kasama niya kahapon.

Now I remember him. Siya yung napagtanungan ko kahapon. Magkahawig sila pero strong talaga ang features netong si Devin.

"You know her, Kuya?" nagtatakang tanong ni Alexis sa Kuya niya.

"Yes, of course. Wala naman yata rito ang hindi siya kilala." sagot ni Devin na bahagyang natawa.

"Ah, ano kasi, kahapon ay nagtanong ako ng direksyon sa kanya. Thank you nga pala kahapon for helping me with the directions." sambit ko nang nakangiti.

Napansin kong medyo namula ang mukha niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"OMG ka Kuya! Did you just blush? OMG HAHAHAHAHA." pang-aasar pa ni Alexis sa Kuya niya. Ang cute netong magkapatid. Halatang malapit sa isa't - isa.

"Shut up, Lex. Kumain na ba kayo? My treat, sa cafeteria." alok ni Devin sa amin.

"We just ate, Kuya. May class kami mamayang 10 am. Naglilibot lang kami para ma-familiarize sa lugar." sagot ni Alexis.

Napakamot nalang ng ulo si Devin at muling bumaling sakin. Narinig ko rin kasi ang bulong ng kaibigan niya, "Tol, pakilala mo naman ako."

"Uh, Danielle, eto nga pala si Tim. Best friend ko."

"Hello, Tim. I am Danielle. Nice meeting you." bati ko saka ko inabot ang kamay ko sa kanya para makipag kamay pero nang aabutin niya na ito ay tinampal ni Devin ang kamay niya.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon