Chapter 4 - Drive her insane

10.3K 379 117
                                    

Nagising ako sa tawag ni Mama kaninang alas-sais. Ngayon daw pala darating yung mga mangga na ipapadala niya sa akin. Huling dalaw ko sa bukid ay hindi pa hinog ang mga 'yon.

Agad kong binuksan ang pinto nang marinig kong may kumakatok. Naamoy ko agad ang sariwang amoy ng mga mangga namin. Matatamis ang mga 'yon panigurado.

Isinalin ko ang mga ito sa isang basket na may tela sa ilalim. Kumuha rin ako ng dalawang paper bag at nilagyan ito ng iilang piraso. Ibibigay ko ito kay Alexis at Timothy.

Pagkatapos kong makapag ayos ay dumiretso ako sa bookstore para bumili ng mga gamit para mamaya.

Agad kong sinapok ang sarili ko nang maalala ko ang dahilan kung bakit hindi ko nabili ang mga ito noong una kong punta.

'I hate you, Miss Vergara.' I hissed on the back of my head.

Pangatlong araw ko palang ngayon sa AAU pero parang napakarami nang nangyari. I feel exhausted. School is my safe haven noon, pero ngayon? I don't think so. Hindi ako komportable. Lalo na sa nangyari kahapon.

First subject namin ngayon ay FAR1 at ang professor ay si Miss Vergara. Pagdating sa room ay wala pa siya. Wala pa rin si Alexis. Nagdalawang isip akong maupo sa harap pero kalaunan ay naglakas loob akong kausapin ang isa kong kaklase na kung pwede ay makipag palit ako ng upuan.


I don't ever want to get close again with her.

"S-sure, Dani. Here, h-have my seat." utal niyang sagot sa akin. I smiled at him apologetically. Mabuti nalang ay pumayag siya.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Alexis at nagtatakang tinignan ako. Lalapitan niya pa sana ako pero bigla nang pumasok si Miss Vergara at ibinaba ang bag niya sa lamesa.

"Good morning, class. Get your books. We will officially start our discussion today." she said at itinuro ang projector. Mabilis namang inayos ng isa kong kaklase iyon.

Nagsimula na siyang magturo and as expected, napaka galing niya. Hindi mahirap intindihin ang lesson kahit komplikado ito dahil maayos niyang naipapaliwanag ang mga example na ibinibigay niya.


"Who wants to try?" tanong niya sa amin pagkatapos magsulat ng example problem sa white board. Wala sa aming ang nagtaas ng kamay.


"Anyone? I'll give extra points to anyone na makakapag solve ng tama." panghihikayat niya pa.

Madali lang 'yon at confident akong masasagutan ko pero ayokong mag participate. Tutal disappointed naman na rin siya sakin. Bahala na.

Nangalumbaba nalang ako habang inaantay na matapos ang klase. Pero bigla niya akong tinawag kaya napaupo ako ng diretso.

"Miss Cortez, are you even listening? Mukhang wala kang interes sa klase ko. Stand up and solve this problem." matigas niya sambit at itinuro ang problem na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagutan.

Tamad akong tumayo at kinuha ang marker na inaabot niya sa akin when I accidentally touched her fingers. Hindi ko alam pero para akong nakuryente. I shrugged my thoughts at nagfocus na lang sa sinasagutan ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na sa kanya ang marker at ako naman ay bumalik na sa upuan ko.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon