Chapter 9 - Almost

13.4K 388 181
                                    

"Are you sure you're okay?" Alexis asked me with sincerity.

Despite Miss Vergara's warning, I still came to school. I am totally fine. Yung sugat nalang talaga ang mayroon ako at hindi na din naman masakit so I decided to go to school. I don't wanna waste a day. It's an opportunity to learn.

Devin also went this morning to check if I was okay. I find it sweet though. The Romualdez siblings are both worried so I assured them na ayos lang talaga ako.

Unfortunately, si Miss Vergara ang first class namin. Kinakabahan ako but I shook it off. As I said, I am fine. Bahala na.

Marami rin sa mga kaklase ko ang lumapit sa akin kanina para mangumusta pero isa-isa silang tinaboy ni Alexis dahil nilalamog daw nila ako. Isa pa 'tong si Gio na binigyan pa ako ng bulaklak.

May iilan akong missed activities sa iba naming subject pero excused naman ako kaya pwede akong mag submit until Friday. Mabuti nalang considerate ang iba kong professor.

Nakayuko ako nang marinig kong bumati na ang mga kaklase ko. Meaning, Miss Vergara's here. I tilted my head only to see her death glares at me. I already anticipated those so I'm not really surprised but hell, she's scary.

"Turn your books to page 72. Read and analyze the problem below. There will be a grading session today. As I mentioned to Sir Jeff yesterday, you were tasked to read it as your activity. I have a strong feeling that you did not comply. Read it now. I will give you an hour to review." she said with her casual strict voice.

Nakasandal siya sa lamesa habang pinagmamasdan kaming lahat. Bago niya mahuli ang mga mata ko, agad ko nang binuksan ang libro at nagsimula nang magbasa. Pinipilit kong intindihin ang pinapabasa niya pero namamawis ako sa kaba dahil alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.
To think na tatlo ang air-condition dito sa classroom.

"Miss Cortez." she called. Hindi ako lumingon at nagkunwari paring nagbabasa.

"Miss Cortez, I am talking to you." sambit niyang muli kaya napapikit ako ng mariin bago tumingin sa kanya.

"Yes, Miss?" matamlay kong sagot.

"How is your head?"

"It's fine...po." maikli kong sagot.

I don't want to engage a conversation with her lalo pa't hindi maganda ang naging tagpo kagabi dahil sa pagpapalayas ko sa kanya sa bahay. And, ayaw kong marinig ng mga kaklase ko ang panginginig ko kapag kausap ko siya.

"Stand up. Go to the infirmary with me." sambit niya kaya napanganga ako.

"W-wait, Miss. How about the recitation? I'm not yet done reading it." protesta ko sa kanya.

"You will be excused. Besides, you are still not advised to go to school today and yet, you did. We need to get you checked. Let's go." pagkatapos ay lumabas na siya ng pinto.

Sumunod din ako kalaunan sa kanya. Alexis even mouthed "I told you!" nang maka daan ako sa upuan niya.


She's three meters away from me. Ang bilis niya maglakad! Sa baba ang clinic kaya we need to use the elevator. Kami lang dalawa ulit ang nakasakay kaya mas dumoble ang kaba ko.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon