Fully air-conditioned ang classroom pero pinagpapawisan ako. Hindi niya parin iniaalis ang tingin niya sa akin habang naglalakad papalapit at sumandal sa table niya. Her arms are crossed again. Ilang segundo pa nang pagtitig niya bago siya muling magsalita."I will be your professor in Financial Accounting and Reporting 01. Our schedule will be MWF. Always bring your book and worksheets kapag papasok kayo sa subject ko or else, I will mark you as absent."
Wala sa mga kaklase ko ang umiimik. Mabuti nalang ay hindi na siya nakatingin sa akin kaya lumuwag na ng bahagya ang pakiramdam ko.
"My name is Anthea Louise Vergara. You can call me Miss Vergara. That's the only name I will accept you calling me." she said with authority. Na para bang nasa constitution 'yon ng Pilipinas at bawal labagin.
"My subject is one of your majors so make sure to read and study a lot. This will be easier for all of you because you already have a background about accounting. I hope you listened carefully during senior high school. Do not forget the basics." dikta niya pa.
Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita. Halos magsalubong na ang kilay niya dahil laging naka kunot ang mga ito. She is indeed intimidating. Her aura speaks for her. Formal, dark, and classy.
"Do you have questions? Ask now before I dismiss you." sambit niya at pagkatapos ay tumingin sa kanyang relo. Wala na namang nagsalita kaya dinismiss niya na ang klase.
Mabilis namang nagsilabasan ang mga kaklase ko habang ang professor ay nasa loob parin.Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Magsosorry ba ako? Pero bakit ako magsosorry kung siya naman ang mali at masama ang ugali? Pero paano kung ibagsak niya ako? Paano na ang pag-aaral ko? Ang scholarship ko? Paano na sila Mama? Ughhhhh!
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ulit sa room at hinarap siya.
"Miss Vergara, I'm s-sorry about earlier. I d-din't know na you are a professor here. I thought you were bullying that kid so I stood up for her. I am really s-sorry, Miss. Also, you don't look like a professor- I mean you do, but- basta po- ano, I thought you were a student. I'm sorry." I said begging. Nakayuko lang ako habang inaantay siyang magsalita. It took her a minute bago siya sumagot.
"I understand that you were just concerned about her. But, you don't have the right to accuse people dahil lang isang side ang nakita mo. That student purposely hit my shoulder para malaglag ang mga dala ko. She was my student last year pero ibinagsak ko dahil hindi pumapasok. I told her to pick up my things because she's done it. Now, tell me. Mali bang pulutin niya ang mga bagay na kusa niyang ikinalat? " paliwanag niya.
Bakit pa kasi nakialam ako kanina. Nakakainis, first day pa naman ito. Hays.
"I'm sorry, M-miss. I promise it will never happen again." sambit ko na halos pabulong nalang.
"It's okay. Just be aware of the consequences of what you did" and after saying that, she left the classroom.
Nanghihina ang mga tuhod ko sa pag-iisip kung anong mga consequences ang haharapin ko. Mukha pa namang hindi siya nagbibiro. Hindi ako pwedeng pumalpak dito dahil pag-aaral ko ang maaapektuhan.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomantiekAnthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding Alumna in Law in the University of the Philippines. Anthea has always been an achiever throughout he...