Chapter 15 - Baby

11.6K 371 71
                                    

Mabilis kong pinulot ang towel at mga nalaglag na underwears at binuksan ang pintuan para makapasok ako agad sa kwarto. Sumandal ako sa pader nang makapasok ako. She almost saw me naked! Hingal na hingal ako at puno ng pawis sa noo kahit kakatapos ko lang maligo.

Mga ilang segundo lang ang itinagal ng brownout at bumalik na din ang ilaw. Siguro ay nagka aberya lang sa generator. Nagsuot ako ng damit at humiga na sa kama pagkatapos.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa biglang paghinto ng kuryente kanina dahil saktong sakto ito sa pagkalaglag ng saplot ko. I will be so embarrassed if ever na makita niya akong hubad. My gosh, I can't!



Nagcheck nalang ako ng phone nang wala na akong maisip na gawin. Madaming chat ang Kuya ko at missed calls. Galit na daw ang Mama dahil hindi ako sumasagot kaya nag reply nalang ako. Si Belle din ay nangangamusta.


Hays. I miss them. Kahit palaging magulo sa amin ay masaya kaming apat. Namimiss ko na din ang alaga kong kalabaw at dalawang aso namin sa bahay. Sa sembreak nalang ako uuwi para mas mahaba haba ang oras na makasama ko sila.


I am scrolling on my messenger nang makita ko ang pangalan ni Miss Vergara. I clicked her profile and as expected, it was locked. I cannot even view her profile picture pero kita parin ang mukha niya kahit papano. She looks gorgeous as always. Kahit nga sa simple niyang pambahay ay napaka ganda na niya.


Ugh. My mind is filled with thoughts of her again. I wonder if she thinks about me too. Well, ang assuming ko sa part na 'yon pero I really am curious. Bago sa akin lahat ng nararamdaman ko kaya wala akong pagkukumparahan. Am I feeling what I am supposed to feel? I don't know.

She gives me this uneasy sensation, and I despise the fact that it keeps building every time she touches me, every time she kisses me, every time she stares at me, which is all the time.


"Cortez." tawag niya sakin mula sa labas. Bigla akong kinabahan dahil naalala ko ang nangyari kanina. Kaha ko ba siyang harapin?


I had no choice. I have to. Lalo pa at bahay niya ito. I stood up at lumapit sa pinto para pagbuksan siya.

"M-miss Vergara. Ano po 'yon?" tanong ko sa kanya.


Bago siya sumagot ay pinagmasdan niya muna ang suot ko. I'm wearing my typical pambahay attire. A string sando paired with a faded maong shorts na may kaiklian. Wala akong bra dahil wala din akong planong lumabas pero agad ko 'yong pinagsisihan dahil sa dibdib ko siya ngayon nakatingin. Mabilis ko itong tinakpan ng dalawa kong kamay.


"Can I stay here? Hindi bumalik ang ilaw sa kabilang kwarto." tanong niya sa akin.


Of course, she can. Kahit gaano ako naiilang sa kanya ay hindi ko din naman ipipilit na mag-stay siya sa dilim. At hello, ako ang nakikitira dito.


"O-opo, Miss. Of course." sagot ko at saka niluwangan ang pagbukas sa pinto.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon