Dumaan ang isang linggo na puro nakaw na tingin at mga halik ang nangyari. Pagkatapos ng klase namin sa kanya ay palagi ang paalam ko kay Alexis na mag c-cr lang ako. Tulad ngayon.
"Hoy, Dani. Baka sira na ang pantog mo! Palagi ka nalang umiihi!" sigaw niya nang lumakad na ako papalayo. Narinig ko pang natawa ang ilan sa mga kaklase ko. Siraulo talaga.
I went to the comfort room at tulad ng inaasahan ko, she's already there. Pagpasok ko ay maagap niyang isinara ang pinto at hinalikan ako agad.
"I missed you. You are so beautiful today." sambit niya at inayos ang buhok kong bahagya niyang nagulo.
"Bolera." sambit ko sa kanya. "Baka hindi ako makasabay ng dinner sa inyo later. Need ko i-finalize yung term paper ko sa micro." malungkot kong sambit sa kanya.
"Saan mo gagawin? I can wait." tugon niya.
"Kina Alexis. Siya ang partner ko hehe." kinakabahan kong sabi sa kanya. And as expected, kumunot bigla ang noo niya.
"Your boy is gonna be there, of course. Ask your friend to go to my condo instead." wika niya.
"I can't do that! Hindi ko pa alam kung papano ipapaliwanag ang lahat kay Alexis. You know she's my friend. Mausisa pa naman 'yon."
"Fine. But do not let him touch you. Not even a single strand of your hair, Cortez." banta niya kaya natawa ako.
She once again claimed my lips bago kami lumabas ng cr. Nagtungo siya sa faculty room, at ako naman ay kay Alexis.
About naman sa review namin ni Miss Lavinia, sinabihan niya ako na mag self study muna dahil magiging busy din siya next week na kailangan niyang paghandaan.
Isang linggo na din akong sa condo ni Miss Vergara tumutuloy. Hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ako pumapayag kaya ang ending, sa condo niya na ako umuuwi para tapos ang usapan. Hatid sundo niya din ako palagi.
"Dani, ikaw na ang mag revise nito. Ako na sa iba para di kana mastress pa. Tutal mostly, ikaw naman ang gumawa, epal lang ako." sambit ni Alexis habang binibilugan ang mga dapat naming ayusin.
"Ano ka ba, ikaw nga ang nag cite ng references. Maayos mo 'yong nagawa! Charotera." sambit ko sakanya.
"Oo na, sige na." tanging naisagot niya nalang sakin. " Oh, Kuya,bakit ang late mong umuwi?" tanong niya sa Kuya niya na kakarating lang.
"Dani, andito ka pala. Kumain naba kayo?" tumango naman ako. "Mabuti nalang nakita na kita, napawi agad ang pagod ko." biro niya atsaka ako kinindatan.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomanceAnthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding Alumna in Law in the University of the Philippines. Anthea has always been an achiever throughout he...