Chapter 26 - Yes

12.4K 275 162
                                    


"Miss Cortez, kindly collect all the papers and bring them to my office."
Miss Vergara said.

Hindi ako nag exam sa kanya pero pinag stay niya ako sa classroom para lang makipag titigan sakin habang nagsasagot ang mga kaklase ko.

"Kumusta exam?" I asked Alexis nang ibigay niya sa akin ang worksheet niya.

"Girl, grabe naman magpa exam ang bebe mo! Parang gusto na kaming hatulan nang flat singko!" she said kaya natawa ako. Hindi naman kasi madali ang accounting. Lalo pa't napaka strict ni Miss Vergara.

"Dadalhin ko lang ito sa office niya. Hindi din ako mag eexam sa Public Speaking kaya good luck!" I said at saka na naglakad patungo opisina.

"Sana all!" sigaw niya pa.
Ipinatong ko ang mga worksheets sa desk niyang tambak pa ng papel. Tatlong rim pa 'yon.

"Kayo po ba ang magche-check nito isa isa? Ang dami. Ilang sections ang hawak niyo?

"8 sections. May taga check ako ng test papers, don't worry. Hindi ka na ba papasok sa next subject?" she asked me.

"Hindi na po. By batch din po ang exam. 'Wag na raw akong papasok dahil exempted naman na ako." I said at iniscan ang ibang papel.

"That's good. Tell your Mom na uuwi ka this coming weekend. Malapit na ang competition na dadaluhan mo. You need inspirations." she said.

She's busy typing on her laptop kaya tumabi nalang ako sa kanya. Her hair is tied in a messy bun kaya may iilang buhok ang nakatakas at napunta sa gilid ng mukha niya. She's so pretty.

"Cortez, matutunaw ako sa mga titig mo. Quit it. I don't look so beautiful right now dahil stressed ako sa grades ng mga batch mates mo." seryoso niyang sabi.

"Okay. I'll stare at someone else nalang. Mang stalk ako ng gwapo sa Facebook." I said at hinugot ang phone ko sa bulsa pero bago ko pa ito ma-unlock ay kinuha niya na ito sa kamay ko.

"Tch. Who said na pwede kang tumingin sa iba? I change my mind. Tignan mo nalang ako." aniya at tsaka kumunot ang noo sa akin. Kinuha niya ang phone ko at ipinasok sa drawer niya.

"Akala ko ba you don't look beautiful today? Bakit naman ako titingin sa pangit?" I said.

Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Are you saying I'm ugly!?" singhal niya. I laughed with her reaction. Para siyang dragon na handa nang bumuga ng apoy.

I shrugged my shoulders in response at saka tumayo at pumunta sa likuran niya. I untied her bun at marahang inayos 'yon. Kinuha ko din ang iilang hiblang kumawala sa pisngi niya.
I saw what she was typing. Nag eencode siya ng grades. Napailing ako nang makitang madami ang alanganin sa section namin. I saw mine and it was pretty decent.

"Baka naman po maging biased kayo. Hindi ko po tatanggapin ang grade na hindi ko deserve." I said.

"Gusto mo bang babaan ko ang grade mo?"

"No. But I want you to not include our personal relationship sa pag compute ng akin."

"I am not being biased, Cortez. You participate well. Ikaw lang ang nakakaperfect sa exams ko. And, I wouldn't even look at you kahit napakaganda mo kung wala namang laman ang utak mo." she said. Wow. Di ko alam ang mararamdaman ko sa huli niyang sinabi.

"Yeah, right. You hate stupid people." sambit ko.

"Yes, I do." aniya at nagsimula ulit magtipa. "Are you hungry?" tanong niya.

"Not really. Kayo po?"

"I am. Get my phone sa bag. Order some snacks." utos niya.

"Phone ko nalang po ang gagamitin-"
"No. Baka mang stalk ka pa ng gwapo. Get my phone instead." sambit niyang muli. Umirap ako sa kanya at saka kinuha ang Iphone niya sa bag.
Wala itong passcode kaya mabilis kong nabuksan.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon