Chapter 13 - Wet

12.7K 365 97
                                    

Lumipas ang buong gabi na malakas ang ulan at walang kuryente. Thank God at hindi mainit ang panahon dahil baka natusta na kaming dalawa dito.

It's already 3:47 am in the morning. She's now asleep beside me. Napagod din siya sa wakas sa pangmamanyak sakin. Tss. Though she fell asleep na nasa hita ko ang kamay niya.

Ako naman ay hindi makatulog. I have a lot of things in my head right now. If only thoughts had an off switch. Hays.

Aalis sana ako para tignan ang sitwasyon sa labas kaso ay nagising ko yata siya sa paggalaw ko.

"Where are you going?" paos niyang sabi. Her morning voice hits differently. A lot more sexier, I guess.

I shook my head when I realized kung ano ang iniisip ko. Oh, gosh. Ang aga aga, ang dumi ng utak.

"Titignan ko lang po sana ang sitwasyon sa labas." sagot ko at akmang tatayo nang pigilan niya ako sa kamay.

"No. You stay here. Malakas pa ang hangin, it's still not safe to even take a peek." sambit niya habang nakapikit.

Wala na akong nagawa dahil hindi na niya binitawan ang kamay ko. Humiga nalang din ako sa kama at tumalikod sa kanya.She occupied my mind with my thoughts of her at ilang minuto pa nang pag-iisip ay nakatulog na ako.

------

I woke up na wala na siya sa tabi ko kaya bumangon ako agad. I found her in the kitchen na nag aayos ng mga pagkain. Where did she get all these?

"You're awake. Kakain na tayo." sagot niya at nilagyan ng kanin ang mga plato. "Suspended ang klase niyo today. Lilipat din tayo mamaya. Baha na sa buong paligid at wala paring kuryente." sambit niya.

"Lilipat po? Saan?" tanong ko at nagsimula ng kumain.

"Sa condo ko. You can't stay here sa ganitong sitwasyon." she said kaya napainom ako ng tubig.

Seryoso ba siya? Hindi ako pwedeng sumama. All my things are here. At saka, baka madami na ang nagbagsakang puno sa daan. Isama pa ang baha.

"Ayos lang po ako dito. Hindi po ako pwedeng umalis. Nandito po lahat ng gamit ko." sagot ko sa kanya. She looked at me at huminga ng malalim bago muling magsalita.

"No. You're going with me." she said with conviction. "Hihintayin ko lang ang update ng inutusan kong mag clear ng dadaanan natin."

Ay wow. VIP talaga 'tong si Miss. Well, she looks wealthy naman. Sa kotse niya palang ay mahahalata mo na 'yon. Pati ang mga gamit at damit niya ay sumisigaw ng pagka sopistikada niya.

"I'll help you pack your things later. Kumain muna tayo." bakit parang ang sungit niya today?

Binilisan kong kumain nang makita siyang naghihintay nalang ng pagtapos ko. Hindi man lang nakalahati ang pagkaing nakahanda. Pagkatapos kumain at naghilamos ako ulit. This time, kumuha na ako ng isa pang toothbrush at ibinigay 'yon sa kanya.

Nagsipilyo siya. Naghugas din siya ng mukha gamit ang sabon na gamit ko. Iniwan ko na siya doon at nagsimulang mag ayos ng mga gamit.

Kumuha ako ng iilang pares ng damit na dadalhin ko. Hindi naman siguro ako magtatagal doon. Nakakahiya din kung sakali. Maayos ko itong inilagay sa bag na dadalhin ko. Iniayos ko din sa isang bag ang mga libro at iba ko pang gamit sa school.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon