Chapter 7 - Scissors

14.2K 494 415
                                    

Nakatulog ako ulit after Miss Vergara left. Medyo masakit ang ulo ko kaya bumangon ako para kumuha ng tubig. Pagtingin ko sa orasan ay alas sais na pala ng umaga.

Kumuha ako ng tuwalya para sana maligo nang maalala ko bigla na hindi pala ako papasok today. I sighed in boredom. Wala na naman akong gagawin sa araw na 'to.

I grabbed my phone para umorder ng almusal sa grab. Hindi na ako magluluto muna dahil nahihilo ako kapag matagal akong nakatayo.

Habang naghihintay ay naghilamos muna ako at nag toothbrush.

Nang may marinig na akong kumatok ay nagpunas ako agad ng mukha. Gcash ang ginamit kong mode of payment kaya okay lang na hindi ako lumabas agad. Iiwanan naman 'yon sa may pinto. Hindi rin ako komportableng humarap dahil naka strap sando lang ako at short shorts.

When I opened the door, my eyes widened automatically. Miss Vergara is on my front door!

'What the hell is she doing here at this hour?'


I was stunned for a moment. Halata ring nagulat siya sa pagkagulat ko but she quickly recovered. I saw her lips flash a playful grin after she looked at me from head to toe.


I am not wearing any undergarments, for crying out loud!


"Good morning. Pwede ba akong pumasok?" she asked. May bitbit siyang paper bag na may logo ng Abuelos. "Y-yes, M-miss. Come in." natataranta kong sagot sa kanya.

She went straight to the kitchen and I followed her. She then handed me the paper bag she brought.

"I stopped by sa Abuelos on the way here. Nagbakasakali lang ako kung gising ka." she said and pulled a chair. She sat comfortably there while looking at me.

"How are you feeling?" she asked curiously.

Kumuha ako ng dalawang plato at iba pang utensils sa lababo at inilapad sa lamesa. "A-ayos naman na po." I said politely kahit naiilang pa rin ako.

Pinupunasan ko ang dalawang pares ng kutsara at tinidor nang may bigla na namang kumatok. Ibinaba ko saglit ang mga kubyertos at umakmang aalis pero binigilan niya ako.

"Stay. You cannot go out wearing only that. Your clothes are too thin." maotoridad niyang sambit na parang naiinis at saka na naglakad papunta sa pintuan.

Agad ko naman tinakpan ang sa may bandang dibdib ko na itinuro niya kanina pertaining to what 'I'm wearing.' Magpalit na ba ako?

"Bumili ka na pala ng breakfast mo." sabi niya at inilapag na ang another paper bag sa lamesa.

"Kanina lang po. Bago po kayo kumatok." sagot ko at nagpatuloy na sa paghahanda ng mga binili namin. Isinalin ko isa-isa ang dala niya pati ang pinadeliver ko at kumuha ng pitsel sa ref.

"Don't move around too much. You might slip and bang your head accidentally. Wala ka pa namang kasama dito." she said sounding concerned pero salubong pa rin ang kilay.

I suddenly felt my stomach tighten. What's with her? Kahapon bago ang aksidente ay kinasusuklaman niya ako pero ngayon ay para akong batang kailangan bantayan sa paningin niya. Really, what's gotten into her?

"Y-yes, Ma'am. I will try not to." I said.

"Do not try. Do not move at all." mataman niyang tugon at nagsimula nang kumain.

Naisip ko bigla na kumuha ng mangga para ihain na rin sa hapag. Kumuha ako ng tatlong piraso. Gusto ko sana silang hiwain pa kaso hindi ko mahanap ang kutsilyo.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon