Chapter 36 - Happiness

8K 235 49
                                    

"Is everything ready? Nasaan ang mga baso? Uhawin ka pa naman. How about the fruits?" sunod-sunod kong tanong kay Anthea na ngayon ay aligaga sa pagche-check ng mga gamit namin sa pick-up niya.

"Misis, please hinay-hinay lang. Oh, wait...shit. I forgot the plates too." sambit niya at saka tumakbo papasok ng bahay para kunin ang mga nakalimutan.

Pagbalik niya ay lumapit ako sa kanya to wipe the sweat on her temples and gave her a peck on her lips. The great Anthea Louise Vergara is mine now. At syempre, nauutusan ko na. This is such a happy day!

"Are you tired? Hindi pa tayo nakaka-alis, pawis na pawis ka na." I said at saka kumapit sa kanyang leeg.

"Paano ba naman, para kang buntis. And dami mong utos." reklamo niya pero nawala ang kunot sa kanyang noo nang haplusin ko ang kanyang batok.

Knowing how naughty she is, hindi na ako nagulat nang hawakan niya ako sa bewang at isinandal sa sasakyan.

"What?" I said and bit my lower lip.

"We can postpone. Dito nalang ako kakain ng pek-pek." sambit niya.

"Kwek-kwek, Miss Vergara." pagtatama ko at saka siya inirapan.

She leaned closer to me and claimed my lips gently.

"Whatever, Misis Vergara." she said at muli akong hinalikan. Misis Vergara hmp.

"Hmmmp- stop na muna. Let's go." I said at saka siya tinulak na ng bahagya. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka siya umikot driver's seat.

"Baby." she called habang nagmamaneho.

"Hmm?"


"When will I meet Damon? Gusto ko siyang makilala." she asked. Nagtataka ko siyang tinignan pero hindi na ako nagtanong pa.

"Hmm, nasa condo pa sila ni Mama. Pero susunduin na sila ni Papa tomorrow. If you want, doon na tayo magdinner mamaya." pagkasabi ko noon ay nakita ko siyang ngumiti.

"Alright. Let's buy him presents."

I feel so happy. My heart pounded so fast nang maalala kong official na kami. Delayed but worth it. Wouldn't trade this for anything. Pakiramdam ko ay ito na ang price ng lahat ng sakripisyo ko. Her.

"Baby, kilala mo si Mang Carding? "

"Sinong Mang Carding? Isa lang ang kilala ko, yung kapitbahay namin hahahaha."

"Yes. Siya nga. I bought his land. Katabi ng inyo." pahayag niya.

"Wait, what!?" jusko, di na natatapos ang mga nakakagulat niyang pinaggagagawa.

"Yes. Nakapangalan sa'yo. Nakakita na din ako ng kalabaw. I bought 5 more. Kunin mo nalang sa kanya." she said.

"Kukunin nalang!? Oh, gosh. I can't believe you! You can't just buy anything you want! Ilang hektarya ang binili mo?" tanong ko. I can't believe this woman!

"All of it. Gusto kong magtanim ng maraming mangga. Hindi mo na ako binigyan eh. Puro nalang si Emery ang binibigyan mo. Tss." maktol niya.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon