Chapter 6 - Smile

10.2K 380 126
                                    

I did not sleep at all. Not even a blink. Buong gabi kong iniisip kung ano ang in-unsent ni Miss Vergara. Sa friend requests niya palang ay hindi na ako makapaniwala. Ngayong nag message pala siya sakin ay parang out of this world na.

7:30 ang pasok namin sa kanya ngayon. I came to school na parang isang lantang gulay at bangag na bangag. Hindi na rin ako nakapag breakfast dahil tinamad na akong magluto. Mamayang lunch nalang ako kakain.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa antok na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako pwedeng makatulog sa klase lalo pa at si Miss Vergara ang professor. It will just add fuel to the fire. Pumikit ako saglit dahil wala pa naman siya. I still have 5 minutes to take a quick nap.

Paggising ko ay wala ng tao sa room kundi si Miss Vergara na nakakuros ang mga braso at nakatingin sa akin. Kahit si Alexis ay hindi ko na rin makita.

Oh, shit. Nakatulog ba ako buong klase?! Pagtingin ko sa relo ko ay alas nuebe na. Oh, good Lord. Patay na naman ako neto.

"Good morning, Miss Cortez. Maayos ba ang naging tulog mo?" sarkastiko niyang tanong.


'Hinga lang, Dani. Hinga lang.' sambit ko sa sarili ko dahil nagsisimula na akong mataranta.

"I'm sorry, Ma'am. I was just planning to take a nap. I wasn't able to sleep last nigh-" I said but she cut me off.

"How is that my problem, Cortez? I told you yesterday na kung mauulit ang ganyang pag-uugali mo ay hindi ko na palalampasin."

"Pasensya na po, Miss. Just mark me absent today po." I said apologetically at aamba na sanang umalis when she walked towards me.

"You are a scholar of this school. Pinag-aaral ka ng libre ng paaralang ito and you think you are deserving? With the tardiness you're showing to me, I don't think you are." she said, sounding dissatisfied.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil gusto ko na siyang sugurin. Sobra niya na akong iniinsulto. Hindi biro ang ginawa kong paghahanda para lang makapasok dito. She has no right to invalidate everything I've done to deserve a slot here.

"Remember, I am your subject teacher in one of your major subjects. If I fail you, you will have to take my subject again at mawawala ang scholarship mo." she said na para bang nagbabanta.

She's right. Ang scholarship ko ang nakasalalay dito. Pangarap namin ng pamilya ko ang mawawala kapag natanggal lahat ng pribilehiyo ko sa paaralang ito. Mas lalo akong nagagalit. Mas lalong nag-aalab ang inis at poot ko sa kanya pero hindi ko pwedeng pairalin ang pride ko. Kailangan ko ito. Para sa amin ng pamilya ko.

"Give me another chance, p-please. Hindi na po ito m-mauulit, Ma'am. Just another chance and I will never disappoint you again." sambit ko habang nanginginig ang mga labi.

"How many chances should I give you for you to learn, Cortez? I never gave anyone a chance before but I considered you because I was thinking na may potential ka. I don't wanna snatch this opportunity from you pero sinagad mo ako." inis niyang singhal sa akin.

Nakayuko na ako ngayon at pinipigilang maiyak. Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa kanya. Alam kong hindi ako ganung klaseng tao kagaya ng iniisip niya pero kung iisa-isahin ang mga nangyari, kahit anong paliwanag ko, ako pa rin talaga ang may mali.


"I expected a lot from you, and I have never been this disappointed. I have decided. Makakarating ito sa Dean." she said at akma nang aalis.

"N-no. Please, Miss Vergara. I will do anything you want me to do. I can't lose my scholarship. I cannot affor-" makaawa ko pero pinutol na naman niya ang sinasabi ko.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon