Chapter 30 - Faces

7.7K 205 82
                                    

"Lola's gonna make pancakes for us, Mama Dan. You don't have it in your school. It's masarap!" Damon said to me at hinila ako papuntang kusina kung saan nagluluto si Mama ng maruya, Damon's favorite.

"I'll bring some, baby. Don't worry, I'll pack for Mama Ry, too!" 'yon ang tawag niya kay Emery. Last vacation, I took her here sa province at walang araw ang lumipas na hindi sila naglaro ng pamangkin ko. Actually, Damon likes Emery more kesa sa akin. She's pretty daw kasi. Well, di na ako aangal dahil totoo naman.

"Why did you not take her with you? Is she still working like Papa?" tanong niya. Tumango lang ako at hinalikan ang kanyang pisngi.

Damon is a smart boy. Sa edad niya ay marunong na siyang magbasa at magsulat. Madalas din siyang magtanong tungkol sa science at math. Pareho kami ng paboritong subject.

"There are things that she needs to do but I promise to take her with me next time I come home here, okay?" tumango naman ang bata saka kumagat sa maruyang nasa tinidor.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko at patingin ko ay si Emery 'yon.


"Yes?" sagot ko sa tawag niya.

"Kelan ka uuwi? I miss you."

"Naks. Sweet mo ah. Lasing ka ba?" tanong ko.

"Pag-uwi mo,maglalasing tayo. How's Damon?" she asked.

"He's good. Kumakain ng maruya."

"Tell him Mama Ry misses him so much." she said. Her voice sounded sad.

"Are you okay?"

"Yeah. I just miss you."

"I miss you too. Cute mo, clingy. Hahaha." hindi na siya nagsalita kaya akala ko putol na ang linya.

"Hello? Mer?" sagot ko.

"Hmm? I'm here."

"Hey. What's wrong?"


"I'll tell you pag nagkita tayo. Hanapan mo ako ng sugar daddy diyan."

"Mas mayaman ka sa lahat ng tao dito sa amin, sira. Sige na. Take a good rest. Let's drink pag-uwi ko." paalam ko at saka na binaba ang linya.

Can't help but to be bothered. Emery's a bit secretive. Lalo pa kapag may problema. Magsasabi lang siya kapag naayos na niya pero kapag ako, mas nauuna niya pang malaman ang problema ko kesa sakin. Hays. Gustuhin ko mang puntahan siya agad ay hindi pwede.

Danielle:

Hey, Mer-mer. Let's eat sa favorite mong lugawan when I get home. Ibibigay ko sayo ang itlog ko.

I texted her. Hoping na ngumiti siya kahit papano.

Emery:

Sige. Isusubo ko nang buo ang itlog mo.

Natawa ako sa reply niya. Abnormal talaga.


Danielle:

Bastos!



Emery:

You started it!

Reply niya.



Danielle:

Magsubuan nalang tayo ng itlog.



Emery:

Basta dapat mauna akong tumikim ng itlog mo.

I rolled my eyes nang mabasa ko ang reply niya. Di na din ako nagreply pero after 5 minutes ay nagtext siyang muli.


Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon