Chapter 16 - Visitors

11.4K 341 124
                                    


Another day passed like a blur. Bukas ay may pasok na ulit kami. Bumalik na din ang kuryente. Akala ko ay tatagal pa pero mas maagang naikabit. Mabuti nalang huhu.




"Thank you, Kuya Tristan." sambit ko nang maihatid niya ako sa bahay. Siya ang inutusan ni Miss Vergara na maghatid sa akin dahil pagkatapos ng pool incident ay hindi na niya ako kinausap paggising namin.




"Dani naman, sabi ko naman sayo Tristan nalang. Drop the "Kuya" dahil hindi naman malayo ang age gap natin." sambit niya.



"Okay, Tristan. Hahaha. Thank you ulit!" sagot ko na ikinangisi niya.



Pagbukas ko ng pinto ay ganun parin naman. Hindi napinsala ang bahay maliban sa ilang tulo dahil sa nalumang kisame. Pagpasok ko ng kwarto ay napukaw ang tingin ko sa mga damit niyang nakapatong sa maliit na lamesa. Hindi niya pala 'yon nadala. Di bale, ibabalik ko nalang bukas.



Ibinalik ko muli sa cabinet ang mga damit ko sa bag at pagkagapos ay nagwalis sa kwarto. Nang mapadaan ako sa sala ay narinig kong nagriring ang cellphone ko kaya binalikan ko ito. It's Devin.



"Hello, Dani?" sambit niya nang sagutin ko ang tawag.


"Oh, Dev, napatawag ka?" tanong ko.


"Gusto daw sanang dumalaw ni Alexis sa tinutuluyan mo kung ayos lang sa'yo." pagpapaalam niya.


Ayos din siguro na patuluyin ko na sila. Tutal wala naman din akong gagawin dito. Having a company will be nice.


"Sure! Come here ng lunch. Magluluto ako." excited kong sagot sa kanya.


"Great! We'll be there in a few minutes." sambit ni Devin. Binaba ko na din ang tawag at saka na nagsaing ng kanin para sa aming tatlo.



Nagluto ako ng kalderetang baka. Laking pasasalamat ko sa freezer ng ref dahil hindi nasira ang karne.
Naligo din ako at pagkatapos ay nagsalin na ng kanin at ulam sa tatlong pinggan. Ilang minuto lang ay andito na sila.



Devin is wearing a maroon polo shirt at black na trousers na bagay na bagay sa kanya. While Alexis is wearing a floral white sundress. Pareho ko silang niyakap at iginaya sa lamesa.



"Ayan na kuya, nakita mo na si Dani. Baka naman pwede ka nang manahimik." asar ni Alexis kay Devin. Si Devin naman ay agad na hinampas si Alexis ng panyo niya. Natawa nalang ako sa kakulitan ng dalawa.


"Shut up, Lex." sambit ni Devin at saka na umupo.


"Grabe, Dani. Is there something you can't do? Ang sarap mo magluto! Sa bahay ka nalang tumira." histerikal niyang sabi pagkatapos ang isang subo.


Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon