Chapter 39 - Bleed

7.7K 194 32
                                    


"Deaaaaar! I missed you!" Miss Lavinia said at yumakap sa akin. Nakasalubong namin siya sa hallway ng first floor.

"Lavinia! Tsk, get off of her!" taboy sa kanya ni Anthea at pilit na pinaghiwalay kami. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"What is wrong with you!?" asik ko.

"What? She hugged you!" singhal niya pabalik.

"Omg, hahahaha. The time has come, Tey. Hindi na mananaig 'yang kasamaan ng ugali mo." Miss Lavinia said at saka ngumisi. Napatingin din siya sa kamay ko at histerikal na timili. "OH MY GOSH. YOU'RE ENGAGED!?"

"Oo. She said yes to me. We're getting married. You're not invited." simple sagot ni Anthea saka ako hinila sa kabila kong braso.

"Don't be rude! Tatakbuhan kita sa altar!" I said na agad ni ikinabusangot niya.

"HAHAHAHAHA putangina mo, Vergara. Isasako ko si Dani sa kasal niyo. Iiyak ka." ani Miss Lavinia.

"Putangina mo rin. Gago." sagot naman ni Anthea.

Tumawa muli ng malakas si Miss Lavinia at saka yumakap kay Anthea. Aamba pang itutulak niya ito pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Get off!" reklamo niya.

"Gago ka. Dumating lang si Dani Dear, kinalimutan mo nang kaibigan mo ako!" singhal niya dito tsaka na bumitaw sa yakap. Ito namang isa ay kumunot ang noo.

"You liked her. Tsk. She's mine. I hate you." sabay irap.


"Oh, same here Vergara. I will kidnap your fiance at hindi ko na ipapakita sa'yo."

"Subukan mo, itatapon kita sa bangin at ipapalapa sa mga aso." she said.


Umirap lang si Miss Lavinia sa kanya. Ako naman ay natatawa sa pagbabardagulan nila. Nagulat ako nang biglang hinalikan ni Miss Lavinia ang pisngi ko at patakbong umalis.

"I'm gonna fucking kill you, Samaniego!" inis na sigaw nitong isa at saka lumapit sa akin para punasan ang pisngi ko. "That bitch."

May mga iilang estudyante ang napatingin sa amin. Hindi naman kasi mapigilan itong si Anthea. Lalo pa at malakas ang loob kasi siya na ang may-ari ng paaralan.

"Girl, I heard they're engaged. They're both pretty. Grabe, bagay sila!" rinig kong sabi nung isa kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.


Anthea held my hand habang naglalakad sa hallway. Hindi niya ito binitawan hanggang maihatid niya ako sa office namin ni Emery. She's there. Busy na naman sa paperworks.

"Take care. I love you." she said and gave me a quick kiss on my lips.

"You too. Sige na, Dean is waiting for you. I love you." paalam ko. Umalis din siya agad dahil may meeting sila with all the college Deans.


Umupo ako sa may table ko at pasimpleng tinignan si Mer na abala parin. We're okay, di'ba?


"Mer, are you busy?" I asked. She looked at me at saka umiling.

"Just rechecking papers. Why?" she said.

"Let's eat ice cream. My treat!" I exclaimed. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo na.

"Tara. Uubusin ko pera mo."

"Oh, sure."

We went to the parking lot at sumakay na sa kotse niya. Wala akong dalang sasakyan dahil si Anthea na ang naghahatid sa'kin.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon