Chapter 37 - Wait

5.4K 153 12
                                    


WARNING ⚠️ (DO I HAVE TO SAY MORE?) BAWAL SA BATA ITO.

--------

"Tsk. Bakit ba kasi hindi pa pwede?" maktol niya.

"Emery doesn't know. Hindi niya pa alam ang mga nangyari kaya please, let me explain it to her." I said pero hindi parin siya kombinsido.

"Why do you even have to explain to her? Kasi she likes you? Ako naman ang gusto mo." she protested again.

"Just please, leave it to me. Okay? I'll explain to Mer, Alex, and Belle dahil ang alam nila ay nilayasan mo lang ako. Aayusin ko na muna. Have faith in me." pamimilit ko and this time, nawala na ang kunot sa noo niya.

"Fine. I love you." she said.

"I love you more." sagot ko. She blushed at hinapit ako sa bewang at niyakap ng mahigpit.

Butterflies came rumbling again. Will I ever get used to her presence? I think not.

"Let's go home to our house tonight, please. Gusto kitang masolo." she said nang bumitaw na sa yakap ko.

"Sure thing. Magdadala pa ba ako ng kotse?"

"No need. Ihahatid kita at susunduin mamaya."

Afternoon ang class ko ngayon. Siya naman ay evening lang pero sabay na kaming papasok. Mamimiss niya daw ako agad. Nako.

Paglabas ng kwarto ay naka-abang na si Damon sa amin. "Mama Dan, we're going. Lolo's outside already."

"Okay, baby. You take cafe of them, hmm?" bilin ko at saka siya hinalikan sa pisngi.

Lumapit din siya kay Anthea at hinawakan ang kamay nito. "Anthea Louise, take care of my Mama Dan. Don't make her cry again. She loves you." bilin nito sa kanya.

"Of course, Damon. I will take good care of her. We'll give you cousins- ouch!" daing niya dahil pinalo ko siya.

"Go, baby. Lola's there on the door waiting for you. Take care!"

Uuwi na sila ngayon sa probinsiya. I will miss him for sure pero plano kong umuwi ulit next weekend. I'll take Anthea with me.

Nang wala na silang lahat ay hinapit niya ako muli. "Baby, I wanna give you hickeys. So everyone would know you're mine." aniya at dumiretso sa paghalik sa aking leeg.

"Anthea Louise, no! Makikita 'yan ng mga estudyante ko! Remember when I was a freshman? Nag turtle neck pa ako para itago ang iniwan mong marka!" asik ko at pilit siyang itinulak.

"Ang damot mo. Tsk. Tara na, baka ma-late ka, Professor Cortez."

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro ay dahil alam kong ma i-interrogate ako ni Emery. High blood pa namam siya kapag about sa katangahan ko.

"Are you okay here?" she said nang maihatid niya ako sa tapat ng room ko. Aamba pa sana siyang hahalik sa akin pero pinigilan ko siya.

"May napag-usapan tayo. Remember?"

Pumalatak lang siya na parang bata at nakasimangot na tumalikod sa akin. I'll meet her later sa office niya.

Dalawang magkasunod ang klase ko ngayon. Iilan pa ang estudyanteng nagsabi sa akin na namiss daw nila ako kasi absent ako ng isang araw.

After my second period, naglakad ako papunta sa office namin ni Emery. I am nervous! I saw her on her desk, parang nag che-check ng mga papel. Hindi niya ako pinansin kahit alam kong alam niyang andito ako. Kumuha akong upuan at umupo sa gilid niya.

"Mer." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako kinikibo.

"Meeeeeeer!" bahagya kong sigaw pero ganun padin.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon