Chapter 22 - Top

14.4K 324 187
                                    


Warning: SPG ⚠️

----

I was astounded by the sight of them hugging each other tightly. A sudden pang on my chest attacked me.

"I missed you so much." sambit ng lalaki bago hawakan ang mukha ni Miss Vergara. Umiwas ako ng tingin. "Oh, you have a visitor?"

Finally, Miss Vergara looked at me at parang nagulat pa sa presensya ko.

"Y-yes. She's my student."


"Hi, kid. Kumusta namang professor etong si Thea?" tanong niya sa akin.


"A-ayos naman po." sagot ko.

"Seb, come in. Doon na tayo sa loob." aya ni Miss Vergara sa kanya. Pumasok ang lalaki at sinundan si Miss sa loob. Ako naman ay naiwang nakatayo sa may pintuan.

Naguguluhan ako. We were just kissing few minutes before this happened. Napakabilis ng mga pangyayari.

Naglakad ako papuntang kwarto habang sila ay masayang nagtatawanan sa couch. I looked at her once again bago pumasok. She looks happy. Pati mga mata niya ay ngumingiti.

Kinuha ko ang uniform ko na nakasampay sa gilid. Naghanap din ako sa drawers ng sewing kit at mabuti nalang ay may nahanap ako. Tinahi ko ng maigi ang mga butones pabalik na kanyang sinira.

Hindi mawala sa isip ko kung sino ang lalaking 'yon. Kung bakit ganun siya kasaya na makita itong muli. Siguro ay nobyo niya. Pero bakit niya ako hahalikan kung committed pala siya? Ano ako, pampalipas oras?

Naiiyak ako sa kirot na nararamdaman ko ngayon. Gulong gulo ako at hindi mapirmi sa kakaisip.

What am I even doing? Hindi ito ang plano ko. Hindi ko planong pumasok sa anumang relasyon. Lalo na sa ganito kakomplikado. I still don't know what we are. She has never been clear about anything going on around the two of us.


Halos isang oras bago ko natapos ang tinatahi ko. Sinigurado kong hindi na ito matatanggal pang muli. Dapat ay hindi ko na din siya hayaan.

Dapat ba akong umuwi? Baka magmomoment pa sila at maka abala ako kung sakali. Muntikan ko pang masapok ang sarili ko nang maimagine ko silang naghahalikan. No! Akin ang mga labi niya...what the?!

Nagpagulong gulong ako sa kama at ilang beses din na naghilamos ng mukha. It's past 11 now, tatlong oras na silang nag uusap doon. Hindi pa ba sila tapos? Talambuhay yata ni Rizal ang pinag uusapan kaya natatagalan. Tss. O baka nasa kabila na silang kwarto kaya...kaya ano...


"NOOOOO!!!" wala sa sariling sigaw ko. Hindi 'yon pwede. Not at least tonight kasi andito ako. Duh!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Miss Vergara na mukhang nag-aalala.

"What happened?!" tanong niya at saka lumapit sa akin.

"W-wala po. Nagbabasa po kasi ako tapos-"

"Tsk. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sayo." she said and crawled on top of me.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon