Chapter 24 - Have

10.8K 298 28
                                    


Tatlong araw magmula nang mangyari ang tawag na nagpaguho ng mundo ko. I blocked her in an instant.  Wala rin akong ibang narinig tungkol sa kanya.


"Baka naman guest lang din yung Sebastian, Dani. Dapat ay pinagpaliwanag mo muna. Base kasi sa mga kwento mo, mukhang patay na patay sa'yo si Miss." pilit niya sakin. Nasabi ko kasi sa kanya ang nangyari dahil kung hindi ay sasabog ako.



"I don't know, Lex. Sana ay sinabi niya nalang sa akin na nandon ang lalaking  'yon, pero hindi. Andaming oras pero wala siyang anumang nabanggit." sambit ko.



"Mag usap nalang kayo pagdating niya para malinaw ang lahat sainyo."



"I don't think gugustuhin ko siyang kausapin."



"Hay nako, Dani. Ang mga firsts mo ay puro sa babae. First heartbreak, first selos, first kiss, first...love?" she said kaya napatingin ako sa kanya.



"If this is love, I don't want it." I said. I think narinig ko 'yon sa isang kanta. And it sufficed my need to express what I am feeling.



"Girl, give her a chance. If things don't work out, edi 'wag na ituloy. Tutal, ang professor at student relationship is just a sort of an unwritten rule. So technically, if hindi ka naman pinilit o hinarass, okay lang." she said.


"I know. Mas malaki ang impact sa aming dalawa kung malalaman ng lahat ang relasyon namin. Parehas kaming babae. Well, we're not officially in a relationship pero there is something going on between us, right? I don't want to ruin her career and of course, mine." I uttered.



Halos maubos ang isang araw sa kakareklamo ko kay Alexis. Sa kanya ko nabuhos lahat ng reklamo at grunts ko. Mabuti nalang attentive siya palagi at lagi ding may payo.



"Dito muna ako, mag-iingat ka!" paalam ko kay Alexis dahil sinundo na siya ng driver nila. Nagpaiwan ako sa library para kunin ang isang librong aaralin ko. Miss Lavinia texted me earlier na ito na ang sagutan ko.



She's in the US pala. Kagaya ni Miss Vergara ay mga guest speakers sila sa mga engrandeng eskwelahan na partners ng AAU.



Nang makuha ko na ang librong pakay ko ay nagdesisyon na akong umuwi. Tatlong araw na din akong hindi nagpupunta sa condo niya. I can't live there anymore lalo pa at may nangyaring hindi ko inasahan. I'm still hurt.



Paglabas ko ng parking lot ay nakita ko si Devin na parang may hinihintay habang nakasandal sa kotse niya.


"Dani!" tawag niya.


"Devin, hello. Pauwi ka na ba?" tanong ko.


Nagkamot siya ng batok bago magsalita. "Uh, actually, I was waiting for you. I was just wondering if we can have dinner tonight. I promise to take you home early! Just please, kain tayo."


Nang tumango ako sa kanya ay napatalon pa siya sa tuwa. Tutal wala naman din akong gagawin, I might as well have dinner with my friend.


Hindi kalayuan ang pinuntahan namin. Very modern ang exterior at interior nitong place and they called it the Heritage Café. Madaming pagpipilian sa menu nila kaya nahirapan akong pumili.



I ended up ordering fettuccine alfredo pasta at isang burger lang. While Devin ordered 2 orders of stake and other side dishes.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon