Chapter 3

141 60 6
                                        

Amira

I was deep in my thoughts when I heard my phone beeped. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at nakatitig lang sa kisame. Mula sa bedside table ay inabot ko ang cellphone ko, nakita ko na may mensahe sa akin si Cory.

Cory

Bakla, puwede mo ba akong samahan sa store? May kailangan lang akong bilhin.

Iyon ang mensahe niya. Kumunot naman ang noo ko at agad na napalingon sa wall clock. It's just six in the evening. Mamayang alas diez pa naman ang curfew kaya puwede pa kaming lumabas. At isa pa, wala rin naman akong gagawin kaya nagpasya ako na sumama na kay Cory.

Bibili na rin siguro ako ng mga puwedeng kainin kapag nagutom ako. I have a small fridge here, and I completely forgot to buy some groceries. Kaya naman puro tubig lang ang laman no'n. Agad akong umupo sa kama tapos ay nagtipa ng mensahe para kay Cory.

Ako

Alright. I'll go downstairs in a bit.

Pagka-send ko sa kanya ng mensahe ay agad akong tumayo at dumiretso sa banyo. I just made sure that somehow, I look presentable. Baka naman kasi may kung ano sa mukha ko at pagtawanan lang ako ng iba. Knowing a lot of students here, they like to make fun of other people especially if they didn't come from the same socio-economic background.

Hindi na bago iyon sa akin. Marami talagang mga spoiled-brat dito, siguro ay dahil lumaking mayaman. Marami rin namang mababait, at iyon ang mga gusto kong maging kaibigan. Kahit pa hindi sila mayaman o ano, basta totoo silang tao.

Nang sa tingin ko okay na ay naglakad na ako palabas ng dorm. Habang naglalakad papunta sa elevator ay nakita ko na may panibagong mensahe si Cory. Hindi naman ako nagdalawang isip na buksan at basahin iyon.

Cory

Hintayin kita sa may soccer field.

Kaya naman pagkababa ay doon na ako dumiretso. Napangiwi pa nga ako nang makita ko siya nanunuod ng mga lalaki na naglalaro ng soccer. Iyong iba kasi sa mga iyon ay walang suot na damit pang-itaas, tapos ay pumapalakpak pa siya habang malawak ang niti na para bang sobrang saya siya.

"Tuwang-tuwa, Cory?" bungad ko kaya agad siyang napalingon sa akin, ngumisi pa siya at tumango.

"Bakla, heaven ang view rito! Ang saya lumabas kapag gabi kasi ang daming Fafalicious!" aniya na parang kinikilig pa.

"May bus service pa ba tayong masasakyan nito?" tanong naman nang magsimula na kaming maglakad.

"Ang alam ko hanggang 8:00 PM ang bus service," sagot niya. "Pero may sasakyan naman ako, bakla," dagdag niya at ngumisi pa sa akin.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya na maglakad papunta sa parking lot. Namangha naman ako nang makita ang sasakyan niya.

"Ang lakas maka-chicboy ng sasakyan mo," wika ko kaya napahagikgik siya.

"It's an Audi R8 Coupe. Regalo sa akin ni Dad para raw makarami ako ng chix. Hindi niya alam na ako talaga ang chix at mga baby boys ang balak kong isakay rito," may halong pagbibiro naman na sagot niya kaya sabay kaming natawa.

We both hopped inside his car, then he started the engine and drove off. Alam ko naman na bigatin ang halos lahat ng mga estudyante rito. Pero nakakalula pa ring makita at malaman na kahit mga teenagers ay nagda-drive na ng mga sarili nilang sasakyan.

Bihira kung makakita ako ng mga sedan. Puro sports car kasi ang nakikita ko sa parking. Halatang mamahalin talaga. Iilan lang sa mga sasakyan na madalas kong napapansin ay McLaren Elva, Gemera, Bentley Bacalar, Bugatti brands, Rolls-Royce brands at kung ano-ano pa.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon