Amira
Habang nasa biyahe kami ni Beau pauwi sa bahay ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko. Kapag may mga pagkakataon nga siya ay hinahawakan niya ang kamay ko, bagay na siyang nakakatuwa. Pakiramdam ko ay tuloy-tuloy na sa pagiging maayos ang lahat, pero nakakaramdam ako ng kaba kapag naaalala ko si dad.
Like I said, hindi siya masaya sa nangyari sa pagitan namin ni Beau. He saw how I cried, and he even witnessed how I blamed myself for killing Bethany. Kahit na hindi naman talaga gano'n ang nangyari.
At sobrang protective sa akin ni dad mula noon pa. He's treating me like a real princess. At sinong ama naman ang matutuwa na makitang nasasaktan ang anak nila, hindi ba? Kaya naman kinakabahan ako sa maaari niyang maging reaksiyon kapag nakita niya mamaya na magkasama kami ni Beau.
"Are you okay?" mahina at may halong lambing ni Beau sa akin.
"Uhm, m-medyo kinakabahan lang..." sagot ko naman.
"Kinakabahan ka sa dad mo?" Marahan naman akong tumango kaya mahina siyang natawa. "It's okay, love. Stop over-thinking too much. Huwag kang mag-alala. I got your back!" medyo may kayabangang saad pa niya kaya napangiwi ako.
"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan?"
"Well, I'm just trying to make us both feel better. Honestly, medyo kinakabahan din kasi ako," pagsasabi niya ng totoo kaya ako naman ang natawa.
Nang maipasok na siya ang sasakyan sa gate ng subdivision ay mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Nang maihinto na nga niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin ay nag-aalangan ako sa kung ano ang dapat gawin. Kung papapasukin ko ba siya, o sasabihin na sa susunod na araw na lang siya magpakita sa mga magulang ko para makausap ko muna sila.
"Let's go!" bahagya akong napalingon kay Beau nang sabihin niya iyon.
Sa pag-iisip ko sa kung ano ang gagawin, hindi ko namalayan na nakababa na pala siya ng sasakyan. Sa huli ay huminga na lang ako ng malalim, tapos ay nagpasyang bumaba na rin. Hindi pa kami nakakapasok sa gate ay nakita kong palabas na si dad na mukhang hindi maganda ang timpla, nasa likod pa niya si mom na agad ngumiti sa akin nang makita niya ako.
"Amira, get inside!" may halong diin na wika ni dad pagkabukas niya ng gate.
"G-Good afternoon po, tito and tita!" nakangiting bati naman ni Beau, ramdam kong pinipilit niya na itago ang kabang nararamdaman. Pero tinignan lang siya ng masama ni dad tapos ay hindi pinansin.
"Good afternoon, hijo. Salamat sa paghatid sa anak namin," nakangiting saad naman ni mom.
"Beau, let's get inside! Dito ka na kumain ng dinner!" pag-anyaya ko naman, kahit pa hindi ako sigurado kung magandang ideya ba iyon.
"No!" agad na sagot ni dad. "Umalis ka na!" madiing utos pa niya kay Beau.
"B-But dad—"
"I said, get inside!" pagputol ni dad sa sasabihin ko.
"Jaguar Montealegre!" may halong pagbabanta naman na saad ni mom.
"What?" iritadong tanong ni dad.
Napakagat ako sa ibabang labi ko kasi ay nasanay ako na kapag binabanggit na ni mom ang buong pangalan ni dad ay titiklop na ito. Pero sa puntong ito ay mukhang iritado talaga siya.
"Stop being mean to him, will you? Hinatid niya ng maayos dito ang anak natin, hindi ka man lang ba magpapasalamat sa kanya?" ani mom.
"This guy right here, made our daughter feel like she's a murderer!" madiing saad ni dad at idinuro pa si Beau. "Habang-buhay kaming magpapasalamat sa tulong ng pamilya mo sa amin, para maging maayos ang kalagayan ni Amira. But that doesn't mean that you have the right to hurt my daughter!" dagdag pa ni dad.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Novela JuvenilThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
