Beaumont
Hindi maalis ang ngiti sa akin habang pinapanuod ang magandang trato ng mga magulang ni Amira sa kanya habang magkakasabay kaming kumakain ng tanghalian. Hindi naman sa pangit ang trato sa akin ng mga magulang ko. It's just that... they lack affection. I'm not sure if they're just having a hard time to express themselves or what. Pero madalas nga ang iniisip ko ay wala talaga silang pakialam.
It's heartwarming to see how close Amira is to her parents. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pa talaga siya gusto. Masaya lang ako na nakakasama siya, masaya ako na madalas ay nakikita ko siyang naaasar. Pero gusto ko siyang mas makilala pa. Like I said, there's just something about her that's keeping me entertained, or maybe something that I couldn't comprehend.
I don't know...
"Hijo, kumain ka ng marami. Huwag kang mahihiya," nakangiting wika sa akin ni tita Jona.
"Oh, you don't have to tell him mom. He really eats a lot!" agad na sagot ni Amira na siyang nagpangiti sa akin.
"Mukhang kilalang-kilala mo na siya, ah?" makahulugang saad ni tito Jag. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita na namula ag magkabilang pisngi ni Amira. Goodness, she's so cute!
"He's pretty popular in the university, dad. Alam po halos lahat na matakaw talaga siya!" depensa naman ni Amira kaya muli akong natawa.
"Why do you sound so defensive? Crush mo ako 'no?" mag halong pagbibiro na wika ko.
Tinignan ako ng masama ni Amira dahil sa sinabi ko, si tita Jona naman ay mahinang natawa. Si tito Jag ay medyo sumama rin ang tingin sa akin dahil sa birong iyon. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Well, I get it. Protective masyado si tito sa anak niya. It's understandable especially she's an only child. Tapos ay babae pa siya. Kahit nga nasa tamang edad na siya ay 'princess' pa rin ang tawag sa kanya.
Kaya kung sakaling dumating man ang araw na tuluyan na akong magkagusto sa kanya ay alam kong hindi magiging madali. Alam ko na kakailanganin kong patunayan muna ang sarili ko kay tito Jag. I know that it's too early to say such things, but I really like her company, and if there's a chance that I might fall for her, I have no plans on stopping myself.
Why the hell would I?
"Okay lang sa akin na maging magkaibigan kayo. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na, kung may balak kang ligawan ang anak ko ay hindi ako papayag—"
"Jaguar!" mahina pero may halong pagbabanta na saad ni tita Jona. Muntik na akong matawa nang agad na matigilan si tito Jag at bahagya pang napanguso na parang isang bata na pinapagalitan ng magulang.
"What? I'm just trying to protect our princess, hon! Kita mo ang mukhang 'yan?" sabi niya at tinuro pa ang mukha ko. "Sa guwapo niyan sa tingin mo ba hindi siya babaero? Ganyan ang mukha ng mga manloloko, eh!" dagdag pa niya.
"So, inaamin mo na manloloko't babaero ka rin?" nakakunot naman ang noo na tanong ni tita Jona.
Gusto ko talagang humalakhak kasi bumabalik lang lagi sa kanya ang pang-i-intimidate niya sa akin. Pero hindi ko naman gusto na baka mas pahirapan pa niya ako.
"Siyempre, hindi!" agad na sagot ni tito.
"Hayaan mo ang mga bata. Amira's old enough to make decisions on her own. Naiintindihan ko na nag-aalala ka sa anak natin, pero hayaan naman natin siya na masubukan ang mga bagay na gusto niya! Ipapaalala ko lang sa 'yo na parang ngayon pa lang talaga siya nagsisimula na mabuhay!" mahabang paliwanag ni tita Jona.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Wait, what is she talking about? Alam ko naman na protective sila kay Amira. Pero ano ba talaga ang totoong nangyari? Well, I don't want to ask her. Kung magiging maayos at tuloy-tuloy na ang pagkakaibigan namin ay alam kong darating ang araw na makikilala ko rin siya ng lubos, at malalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
