Chapter 14

88 54 3
                                        

Amira

"Huwag na kaya tayong tumuloy? I really have a bad feeling about this!" kinakabahan at may halong pag-aalangan na wika ko pagkababa namin ni Cory sa sasakyan ni Beau, nang makababa rin si Beau ay bahagya siyang napalingon sa akin at tipid lang na ngumiti.

"Bakla, nandito na tayo! Ituloy na natin, please?" may halong paglalambing na pakiusap naman ni Cory sa akin. "Ang dalang lang nito, eh! Atsaka nandiyan naman si Fafa Beau para protektahan ang beauty natin!" dagdag pa niya.

"Don't worry, love, hindi ko naman hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa 'yo," may halong lambing na wika naman ni Beau. Napahagikgik si Cory dahil sa narinig, ako naman ay kaba pa rin ang nararamdaman.

It's Friday night, at gaya nang napag-usapan ay nagpasya kami na magpunta sa isang night bar na malapit lang sa university. Lalampasan lang ng konti ang C. Belen Eleven Store at makakarating ka na sa bar. Huminga naman ako ng malalim bago lumingon sa bar. Senang Hati Music Lounge. That's the name of the bar. Meron pa ngang billboard sa labas nito na matatanaw agad mula sa parking lot.

A place where you find your happiness.

Iyan ang naalagay sa billboard. Mula sa labas ay rinig ko na ang ingay na nagmumula sa loob ng bar. Mukhang maraming tao ang ine-enjoy ang night life nila.

"Let's go?" nakangiting pag-anyaya ni Beau sa amin. Muli akong huminga ng malalim kasi ay nagdadalawang isip talaga ako. "You can hold my hand if you want," may halong harot na dagdag pa niya kaya napangiwi ako.

"Luh, taking advantage yern?" may halong pagbibiro na tanong ni Cory kaya muling natawa si Beau. "Teka lang, may hinihintay akong kaibigan!" dagdag pa ng kaibigan ko.

"Baka lang naman pumayag siya, edi suwerte ko," sagot na lang ni Beau.

Habang nasa parking lot pa rin kami ay iginagala ni Cory ang mga mata niya sa lugar na para bang may hinahanap, ilang sandali pa ay napangiti siya at agad na kumaway sa tatlong babaeng paparating.

"Guys, this is my friend, Melissa!" pagpapakilala niya sa amin nang makalapit na sa amin ang tatlong babae. Mukhang excited ang dalawang babae, pero gaya ko ay mukhang kinakabahan naman ang isa pa. "And guys, ito naman si Amira, kaibigan ko at ang manliligaw raw niya, si Fafa Beau!" malawak ang ngiting dagdag pa nito.

"Wait, you are part of the SSG, right?" nakangiting tanong sa akin ni Melissa, pilit naman akong ngumiti bago marahang tumango. "I'm Melissa, and these are my friends, Emily and Maxine! We all voted for you!" pagpapakilala at masayang wika pa niya sa amin.

"Uy, thank you! I'm pleased to meet you!" may halong ilang na wika ko naman, samantalang si Beau ay nanatiling tahimik lang.

"Akala ko ba may gustong magpa-tutor?" mahina at medyo nahihinang tanong nung Maxine kay Melissa.

"Meron nga, si Conrado!" nakangising sagot ni Melissa at itinuro pa si Cory.

"Gosh! Cory nga kasi!" maarteng sagot naman ng kaibigan ko at pina-ikot pa ang mga mata kaya mahina na lang akong natawa. "Anyways, tara na sa loob!" excited na dagdag pa niya. Bahagya akong napalingon ulit kay Maxine na mukhang kinakabahan pa rin. She looks prim and proper, and just like me, I feel like she's not really into this kind of place.

Well, since nandito na rin kami ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila na maglakad papasok sa loob. Pagkapasok nga namin ay agad na bumungad sa amin ang ingay. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng suot na tee shirt ni Beau kaya napalingon siya sa akin at mahina na namang natawa.

Ilang saglit pa ay may kinausap si Beau na mukhang nagtatrabaho sa bar. Kahit pa kinakabahan ay napapangiti ako kasi ay sinasabayan ng maraming mga tao ang pagkanta ng bokalista ng tumutugtog na banda. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mamangha kahit na papaano.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon