Amira
I became very busy these past few days. Nariyan ang pag-aayos ng campaign paraphernalia, pag-iikot sa bawat school building at parang walang katapusang meetings. Pero sobrang worth it naman ang pagod. Partido Liberal had a landslide victory. It was really a nerve-wracking moment, and it's kind of overwhelming to receive a huge support from the students knowing that I am a new face here in Montecillo.
Well, kilalang-kilala naman na si Prez Xian dito. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit pinagkatiwalaan rin kami ng ibang mga estudyante. A lot of people hate Prez Xian, and I actually witnessed how some of them were bad-mouthing him from behind, or even right in front of him sometimes.
I mean, hindi na sila nahiya at natakot. And I adore how he handles them professionally. Kahit pa hindi niya ipakita sa amin na naapektuhan siya madalas, alam ko na tao rin siya at nasasaktan pa rin sa mga masasakit na salitang natatanggap niya sa ibang mga estudyante minsan.
Kung makakasama at makikilala lang nila si Prez, sigurado ako na magsisisi sila sa mga sinasabi nila na hindi maganda. Pero gano'n pa man ay mas madami pa rin ang may gusto sa kanya na siyang nakakatuwa. At ang muli niyang pagkapanalo bilang President ng SSG ang patunay no'n.
I also thought that right after the election, we would be less busy. Pero mas dumami ang mga kailangang gawin. Halos sa SSG office na nga kami lagi. But for me it's actually a blessing in disguise. Bukod sa may mga bago akong kaibigan at may mga bagong natututuhan ay nakaka-iwas din ako sa pang-aasar ni Beau.
I had a peace of mind these past few days. Wala kasing isang Beaumont Adams Anderson na nang-aasar sa akin. Madalas ay nakikita ko pa rin siya kasama ang mga kaibigan niya, pero hindi siya makalapit sa akin kasi madalas ko ring kasama ang mga co-officers ko.
Today is Friday. Katatapos lang ng klase at balak ko nang bumalik sa dorm dahil wala naman kaming meeting ngayon. Walang pasok bukas at balak kong umuwi sa amin. I'm going to call Dad later and ask if he can send one of our drivers here tomorrow. Hindi kasi ako marunong mag-commute. Pero isa iyon sa mga bagay na balak kong aralin.
Hindi ko naman kasi gusto na lagi akong nakaka-abala sa kanila. At isa pa ay ginusto ko na mag-dorm, kaya alam ko na kailangan kong matutuhan ang mag-commute. Sa Mckinley Hill Village, Taguig ang bahay namin. Kung tutuusin ay medyo malapit lang sa Diliman, Quezon City kung saan ang university pero natatakot pa rin ako na bumiyahe mag-isa.
"Na-miss mo 'ko?" gulat akong napalingon sa likod ko nang marinig iyon habang naglalakad. Agad na bumungad sa akin ang nakangising si Beaumont.
"Duh!" agad na sagot ko.
Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad. Nagulat pa nga ako nang bigla akong sabayan ni Beau tapos ay umakbay pa siya sa akin.
"Alam mo, okay lang naman aminin na na-miss mo ako—aray!" hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi agad ko siyang siniko, bahagya siyang napalayo sa akin habang hinihimas ang tagiliran niya. "Ang sakit mo namang magmahal," nang-aasar na saad pa niya.
"Tigilan mo nga ako! Para kang bata! Act your age, will you?" naiiritang singhal ko.
"Alright, I'll stop," aniya at seryoso akong tinignan diretso sa mata. Para naman akong mapapaso sa lalim ng titig niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "I'll stop if you'll accept my Facehook friend request and you'll eat dinner with me."
"Ayaw ko nga!"
"Oh, edi, magsawa ka sa kaguwapuhan ko!" mayabang na tugon niya. "Guys!" parang batang sigaw pa niya kaya maraming mata ang napalingon sa gawi namin. "Crush daw ako ng ating SSG Treasurer na si Ami—"
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
