Chapter 20

96 53 3
                                        

Beaumont

Days turned real fast. Naging okay naman ang mga araw kahit pa sobrang naging busy ng lahat dahil sa final examination. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam na makita ang ibang mga estudiyante na nagde-decorate ng mga pa-ilaw sa iba't ibang bahagi ng campus. Pagkatapos kasi ng final exam ay nagkakaroon ng Christmas Light Festival sa university.

I suddenly remember Bethany, my little sister. She loves Christmas so much. Natatandaan ko noon, kahit na September pa lang ay nangunguna at excited na siyang maglagay ng mga Christmas Decorations sa bahay.

Maybe it's the reason why I also love Christmas season. Kasi ay siya ang naaalala ko. I actually have a plan later tonight. Iyong binanggit ko kay Amira noon na pinaghahandaan ko para sa Christmas Light Festival. Naging vocal naman ako sa nararamdaman ko sa kanya, at may halong panliligaw na rin iyon. Although hindi ko alam kung nararamdaman ba talaga niya dahil nga madalas ay aminado akong dinadaan ko sa biro kahit pa seryoso naman talaga ako sa kanya.

Nagpasadya kasi ako ng dalawang gold necklace na may pendant na ang design ay paper plane, sa likod ng mga pendant ay naka-ukit ang mga pangalan namin. I want to give it to her later tonight. Tapos ay pormal na talaga akong manliligaw sa kanya.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako, kahit pa gaya nang sinabi ko ay naging vocal naman ako sa kanya patungkol sa nararamdaman ko. Pero bahala na siguro.

But speaking of Amira, napansin ko na madalang na lang kung pumayag siya na makipagkita sa akin nitong mga nakaraang linggo. I mean, sa tuwing inaaya ko siyang lumabas ang lagi niyang sinasabi ay busy siyang mag-review dahil nga sa final exam. That's totally understandable knowing that she loves studying.

Tapos ay hindi niya sinasagot ang mga tawag o video call request ko na para bang iniiwasan niya ako. Kung tama ako na iniiwasan niya ako, ano naman ang dahilan niya? May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan o kung ano? Hindi ko alam!

Habang nakahiga ako sa kama ko ay inilabas ko ang cellphone ko para subukan siyang tawagan, kahit pa hindi ako sigurado kung sasagutin ba niya ito. Mabilis naman akong napa-upo sa kama ko nang pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot naman niya ang tawag.

"Hey, uhm..." kinakabahang bungad ko. "Uhm, are you busy?" mababa ang boses na tanong ko.

"Can we meet? I have to tell you something..." may halong lungkot ang boses na saad niya. Agad naman akong tumango kahit pa hindi naman niya nakikita.

"Of course! Sa totoo lang gusto rin kasi talaga kitang makausap. I also have to tell you something!" sagot ko, hindi naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. "Is everything okay?" mababa ang boses na tanong ko pa.

"Rose Garden..." ang maiksing tugon niya bago ibinaba ang tawag.

Mabilis pa sa alas kuwatro na nag-ayos ako ng sarili. Tapos ay nakangiti kong kinuha ang isang maliit na kahon sa bedside table ko, kung saan nakalulan ang dalawang kwintas na pinasadya ko para sa aming dalawa ni Amira.

Habang naglalakad naman palabas ng dorm ay nagpa-practice ako ng mga puwedeng sabihin sa kanya. Gusto ko kasi na siya ang kasama ko mamaya sa lightning ng giant Christmas tree. Gusto ko na hawak ko ang kamay niya. At ang ideyang iyon ay sobrang nakakagaan ng puso. Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ko kung aamin ako na kinikilig ako, hindi ba?

Hindi maalis ang pinaghalong saya at kaba sa akin nang makasakay na ako sa elevator. Pero agad iyong nawala nang maalala ang malungkot niyang boses na para bang may mabigat siyang pinagdadaanan. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pag-aalala sa kanya.

Pagkababa ay nagmamadali naman akong dumiretso sa Rose Garden. Pagkadating doon ay iginala ko ang paningin ko para hanapin si Amira. Medyo kumunot nga ang noo ko nang makita ko siyang nakaupo sa may hindi kalayuan. Medyo malayo sa puwesto ng ibang mga estudiyante na nakatambay rin sa Rose Garden.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon