Chapter 23

85 52 3
                                        

Amira

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiwi nang maramdaman ang medyo pagkirot ng ulo ko. I remember calling Cory because I wasn't feeling well. Tapos ay pinilit kong bumaba sa dorm kung saan siya naghihintay sa akin, sinamahan niya akong magpunta sa hospital para magpa-checkup.

Hindi ko talaga gusto na ma-admit, ang kaso ay sobra talaga akong naghihina kaya naman sinunod ko na lang sa huli ang advice ng doctor. Medyo kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Nakaupo ito sa isang monoblock chair at nakayuko sa may hospital bed na hinihigaan ko habang natutulog.

Napalunok ako ng laway nang mapagtantong si Beau ang lalaki.

Wait, what is he doing here? And where's Cory, anyways? Ang natatandaan ko ay si Cory ang dapat na kasama ko. Marahan akong umupo sa hospital bed, pinipilit na hindi makagawa ng ingay para sana hindi ko siya maabala sa pagtulog, ang kaso ay hindi ako nagtagumpay. Bahagya rin kasi siyang gumalaw at nagmulat ng mata, at mukhang nagulat pa nga siya nang makitang gising na ako.

"Uhm, how do you feel? May masakit ba? May kailangan ka ba? Gutom ka ba o nauuhaw?" sunod-sunod na tanong niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko kasi ito iyong Beau na nakilala ko. Kahit pa makulit, ay sobra kung mag-alala sa akin at kung alagaan ako. Imbes na sumagot ay napalunok pa ako ng laway bago marahang hinaplos ang pisngi niya sa pag-aakala na panaginip lang ang nangyayari.

"If this is a dream, please don't wake me up just yet..." bulong ko pa. "I'm sorry... I'm really, really sorry for everything, Beau..." emosyonal na dagdag ko pa.

Marahan naman niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay dinampihan niya iyon ng mababaw na halik.

"You're not dreaming, love. And you don't even have to say sorry. Wala kang kasalanan, at ako dapat ang humingi ng sorry sa 'yo. I'm sorry sa naging reaksiyon ko, sorry kung naging immature ako. Dahil sa sakit na naramdaman ko, nabigo akong makita na nasasaktan at nahihirapan ka rin. I'm really sorry, love..." mahina pero puno ng sinseridad na sagot naman niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"This feels... real..." bulong ko pa, hindi pa rin kumbinsido na totoo ang nangyayari.

Narinig ko na mahina siyang napabuntong-hininga, tapos ay bahagya siyang tumayo at mabilis akong hinalikan sa labi. Dala ng labis na gulat ay nahampas ko siya sa noo.

"Ouch!" sigaw niya kaya napangiwi ako.

"Sorry!" agad na wika ko pa. "I... I honestly thought I was dreaming! Bakit ba kasi bigla ka na lang nanghahalik?"

"I'm just trying to prove that this isn't a dream!" paliwanag naman niya kaya bahagya akong napanguso.

"I mean, p-puwede mo naman akong kurutin o hampasin sa braso, o kahit na ano! Bakit halik pa?"

"You've been through a lot of pain already because of me. Hindi ko na kayang mas saktan ka pa..." mahinahong wika naman niya.

"Beau, I'm... really sorry about your sister..." nanlulumong wika ko naman tapos ay bahagya pang napayuko. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

"Like I said, you have don't to say sorry. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Wala kang kasalanan sa nangyari! I'm sorry if it took me long enough to realize that. Honestly, dahil sa nangyari ay naging confuse ako sa nararamdaman ko para sa 'yo. Simula nung una pa lang kitang makita ay sobrang gaan na ng loob ko sa 'yo, and when I learned that you have Bethany's heart, sabi ko sa sarili ko... baka kaya magaan ang loob ko sa 'yo ay dahil doon. Baka... hindi talaga kita gusto, na baka kapatid lang talaga ang turing ko sa sa 'yo mula pa nung una. Aside from that, I thought that loving you was a ridiculous idea just because you have her heart, but I thought wrong..." mahabang wika niya.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon