Chapter 6

116 58 5
                                        

Amira

"So, when will you accept my Facehook friend request?" tanong ni Beau habang abala pa rin ako sa pagkain, bahagya naman akong natigilan at muling napatingin sa kanya.

Iisip sana ako ng dahilan para maiba ang usapan, pero dahil dinala niya ako rito ay inilabas ko na lang ang cellphone ko at agad na binuksan ang social media application na iyon. There are tons of friend requests, pero kapag kasi hindi ko kilala personally ay hindi ko ina-accept. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang si Beau sa mga requests.

Beaumont Adams Anderson...

Mukha siyang mayabang sa profile picture niya. Naka-middle finger kasi siya tapos ang background ay ang Eiffel Tower sa Paris. Hindi ko na lang pinansin at ibinalik ko na ang phone ko sa bag ko pagka-click ko ng accept button.

"Okay na?" tanong ko pa.

"Nope, I followed you on Instagraf. Naka-private kasi ang account mo kaya hindi kita ma-stalk. You must accept my follow request and follow me back!" nakangising sagot naman niya.

"Demanding!" bulong ko na lang bago binuksan ang aking Instagraf account. "Wala ka namang makikita sa account ko!"

"Meron kaya!" aniya kaya napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. "Iyong maganda mong mukha!" dagdag pa niya.

Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Bakit ba medyo kinikilig ako sa banat ng mokong na ito? Nakaka-inis! Pagkatingin ko sa mga request ay agad ko namang nakita ang profile niya. @captainbeaumont ang username niya. Hindi naman ako nagdalawang isip na i-accept ang kanyang follow request at i-follow back siya.

"Oh, okay na?" tanong ko.

Muli na naman siyang ngumisi bago masayang tumango habang nakatitig sa screen ng phone niya. Mayamaya lang ay ibinulsa na rin niya iyon at muling tumingin sa akin. Ako naman ay nakatingin pa rin sa Instagraf profile niya. Grabe! Ang famous ng isang ito. Ang dami niyang followers tapos iilan lang ang pina-follow niya.

"Gusto mo pa? Order ka pa. Libre ko naman ito kaya huwag ka nang mahiya. Mamaya mo na ako i-stalk!" narinig kong saad niya kaya mabilis akong nag-angat ng tingin at itinago ang phone ko.

"Sabi mo, eh!" nakangiting sagot ko na lang tapos ay agad na itinaas ang isang kamay.

Nagtaka ako kung bakit napatingin sa akin ang maraming tao, tapos ay walang server na lumapit. Si Beau naman ay mukhang natatawa.

"What?" nalilitong tanong ko, napa-iling naman siya.

"Manang, dalawang order pa ng isaw, betamax, balat ng baboy at kwek-kwek! Pa-order na rin ng dalawang special goto!" malakas na sabi ni Beau.

Ibinaba ko naman ang kamay ko kasi medyo nakaramdam ako ng hiya. Well, hindi ko naman alam na gano'n pala um-order. Pero may server naman sila rito, hindi ba good customer service kung lalapit sila kapag may nagtaas ng kamay? They should practice that!

"How did you know this place, by the way?" tanong ko habang hinihintay ang pangalawang order namin.

"Kapag nag-e-escape ako noong first year college ako, dito ako laging nagpupunta," aniya.

"Escape?" tumango naman siya sa tanong ko.

"From the word itself. Escape. I was skipping classes," aniya at mahinang natawa. "I used to hate studying, to be honest. I'm only good at sports and... music. Pero wala naman akong choice kung hindi pilitin kahit na mahirap."

"And, it's a good thing that you still pushed through even though it's hard. Look where you are now? Ilang taon na lang makakapagtapos ka na. Atsaka wala namang madali sa mundo. Lahat ay kailangan nating paghirapan," sagot ko.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon