Amira
Lumipas pa ang mga araw, at hindi pa rin talaga nawawala sa isip ko ang nangyari noong magkaroon kami ng inspection sa mga club rooms. May mga pagkakataon na feeling ko ay bigla na lang may aatake sa akin at sasaktan ako, kaya medyo iniwasan ko ang maging mag-isa lagi, mabuti na nga lang at laging nasa tabi ko si Cory. Minsan nga kahit na naiirita ako madalas sa tuwing inaasar ako ni Beau ay hinahayaan ko na lang siya na bumuntot din sa akin, kahit na papaano kasi, kapag kasama ko siya, feeling ko ay safe ako.
May ilang mga pagkakataon din na makikita ko si kuya Zeus, as usual, hindi nawawala sa awra niya ang kayabangan. Sa tuwing napapalingon siya sa akin o aksidente kaming magkakatinginan ay labis na kaba ang nararamdaman ko. Pero mukhang wala naman na sa kanya ang nangyari dahil nga hindi naman niya ako pinapansin. O baka hindi lang niya ako matandaan, mas mabuti nga siguro kung gano'n. Nakakatakot lang kasi talaga na baka balikan niya kami.
"May problema ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah?" tanong sa akin ni Beau, kasalukuyan akong nakaupo sa isang outdoor bench sa ilalim ng puno ng acacia, sa harap mismo ng library. Natatandaan ko na dito rin mismo nagsimula ang engkuwentro namin ni Beau.
Dito kasi niya sinadyang pinatama sa akin iyong paper plane na ginawa niya tapos ay hinalikan pa ako ng loko sa pisngi. Dito ko rin siya sinipa down-there. Totoo nga na may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay. Kasi kung iisiping mabuti, kung hindi ginawa iyon ni Beau ay hindi sana nakita ni Prez Xian, hindi sana niya ako kinausap, hindi ko sana siya nakilala, hindi sana ako naging parte ng SSG, at hindi ko sana nakilala ang mga kaibigan kong SSG Officers ngayon.
I feel like somehow, Beaumont is a devil sent from heaven. Dahil kasi sa kalokohan at kayabangan niya ay nakilala at nakasama ko ngayon ang mga kaibigan ko.
"H-Hindi, wala..." mababa naman ang boses na sagot ko.
"You looked bothered these past few days, love. Iyong totoo, may problema ba?" pamimilit naman niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Kailan lang kasi nang mag-inspect kami sa mga club rooms, tapos... biglang kasing nagkagulo sa Sigma Omega Pi's Chapter Office. I saw how one of the members completely lost his chill and literally tried to hurt Prez Xian. Hindi ko lang maiwasan na... hindi mag-alala. Na baka balikan nila kami," mababa ang boses na sagot ko.
"Don't worry, love. They're not going to hurt you," naniniguradong sagot naman ni Beau at matamis pang ngumiti sa akin.
"How can you say so?" nalilitong tanong ko naman.
"Nakalimutan mo na ba kung gaano karami ang nagkakagusto sa dalawa kong kaibigan na sina Ariston at Eli?" nakangising tanong niya. "Isang utos lang namin sa mga patay na patay sa kanila na kuyugin ang mga nanggugulo sa 'yo, hindi sila magdadalawang isip na gawin iyon. Kaya huwag kang masyadong mag-alala," dagdag pa niya.
Napangiwi naman ako dahil sa narinig. At one point, I thought he's going to say that he'll protect me whatever happens. Iyon naman pala ay gano'n ang tumatakbo sa isip niya. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at napa-iling. I mean, it's not like I'm disappointed with what I just heard. Bakit naman ako madi-disappoint, hindi ba? Hindi ko naman siya gusto. At isa pa, malabo rin na may gusto siya sa akin. Sa nakikita ko ay mahilig lang talaga siyang mang-asar.
"Yeah, whatever," sagot ko na lang kaya napahalakhak siya. "Anyways, kailangan ko nang bumalik sa dorm. May mga homeworks pa kasi akong gagawin at kailangan ko pang mag-review kasi may mga quizzes kami bukas," wika ko pa tapos ay tumayo na habang inaayos ang mga gamit ko.
"Agad?" agad na tanong niya sa akin na napatayo rin. "Kain muna tayo ng lugaw at street foods. Libre ko!" anyaya pa niya sa akin.
Saglit akong natigilan at nag-isip sa sinabi niya. Sa huli ay marahan na lang akong tumango. Mahigit isang linggo na rin kasi mula nang huli akong makakain ng street foods, at iyon din iyong araw na aksidente naming nakita ang tito Leon at tita Precy ko, at sa totoo lang ay gustong-gusto kong makakain ulit no'n.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
