Chapter 16

82 53 3
                                        

Beaumont

"Wow! This looks nice!" nakangiting wika ni Amira habang nakatingin sa pagkain na s-in-erve sa mesa namin. I actually brought her to a lot of my go-to places here in Batangas, and now, I want her to try one of my favorite foods here, chami.

"Chami ang tawag diyan. It's one of my favorite foods! Tapos iinom ka ng sobrang lamig na soft drinks pagkatapos!" nakangiting sagot ko, hindi naman maalis ang ngiti sa kanya habang tumatango-tango.

"Pero lahat naman ata ng pagkain favorite mo," sagot niya kaya mahina akong natawa.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang matikman na iyon. I can't help myself but to adore her more especially when she looks so freaking cute while eating.

"Mom's going to like this! Ang sarap!" masayang wika pa niya habang patuloy sa pagkain.

"Gusto mo mag-takeout tayo para sa kanila?" tanong ko.

"Ugh, no," aniya. "Baka masira lang bago pa tayo makabalik sa Taguig. Ikukuwento ko na lang sa kanya, para mahanap niya ang recipe online at ang steps kung paano ito maluto," dagdag pa niya.

"Nag-enjoy ka naman sa date natin, 'di ba?" tanong ko habang ngumunguya siya ng pagkain. Bigla naman siyang naubo dahil doon, mahina akong natawa bago binuksan ang isang bottled water at inabot sa kanya.

"This isn't a date! Ang sabi mo papasyal lang tayo!" giit niya, namula pa ang mukha niya nang mapagtanto na date talaga ito.

"Gano'n na rin iyon. Hindi naman kita isasama rito kung hindi kita gustong maka-date at maharot," sagot ko, pansin ko naman na mas lalong namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Sobrang cute talaga niyang mag-blush.

Sa huli ay bahagya na lang siyang napanguso at hindi na sumagot. Nagpatuloy na lang din siya sa pagkain kaya gano'n din ang ginawa ko. Matapos kumain at magbayad ay nagpahinga lang kami saglit bago nagpasyang umalis na.

Bandang alas kuwatro na iyon ng hapon. Hindi ko alam kung bakit, pero medyo kinakabahan ako sa ideya na babalik kami sa bahay para hintayin ang mga magulang ko. Kung ako ang tatanungin ay okay lang naman sa akin na makaharap ko sila, kasi nga ay sanay naman na ako sa klase ng relasyon na meron ako sa kanila. Medyo nakakatakot lang na baka magkaroon na naman kami ng hindi magandang argumento, at masyadong ma-overwhelm si Amira.

Sa pag-iisip ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Mahina pa akong napabuntong hininga nang inihinto at ipinarada ko na ang sasakyan sa harap ng bahay.

"Are you okay?" agad akong napalingon kay Amira nang itanong niya iyon. Tipid naman akong ngumiti sa kanya bago tumango.

"Oo naman!"

"You know, hindi naman natin sila kailangang harapin ngayon kung hindi ka pa handa. Hindi mo rin naman ako kailangang ipakilala sa kanila. I mean, it's not like I am your girlfriend or what..." aniya na siyang nagpangisi sa akin.

"So, kapag ba ipinakilala kita sa kanila magiging girlfriend na kita? Sasagutin mo na ako? Magiging tayo na?" parang bata ay may halong pang-aasar na wika ko, napangiwi naman siya bago niya ako tinaasan ng isang kilay.

"Puro ka talaga kalokohan!" sagot na lang niya kaya mahina akong natawa.

"Let's go?" anyaya ko pa, tumango naman siya tapos ay sabay na kaming bumaba sa sasakyan.

Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang mapansin ang dalawang sasakyan na nasa garahe. Dahil doon ay alam ko na nandito na ang pamilya ko. Mag-a-alas cinco na iyon ng hapon.

Medyo nagulat naman ako nang maramdaman ang kamay ni Amira na kumapit sa laylayan ng t-shirt ko. Tapos ay napangiti ako nang maalala na ganito rin ang ginawa niya kagabi habang papasok kami sa Senang Hati dahil kinakabahan siya. Siguro ay nakasanayan na niyang gawin ito sa tuwing kinakabahan siya. Well, like I said, lahat naman ng ginagawa niya ay sobrang cute para sa akin.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon