Amira
Tears formed in my eyes and I started to slowly walk down the aisle. Everyone looks so happy because they are all smiling from ear to ear. Alam ko na masaya ang lahat dahil... gano'n din ang nararamdaman ko. The band started playing the wedding march, which is soothing for me. Everything feels surreal! It's overwhelming and heartwarming at the same time...
"I'm happy for you, princess..." may halong lambing na bulong pa ni dad, na hinahatid ako sa altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ko.
"Thank you, dad!" sagot ko habang nakatingin sa kanya tapos ay matamis pang ngumiti. I shifted my gaze to the altar. Doon ay nakita ko ang groom ko na nakatayo at alam kong masayang naghihintay sa akin, pero hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa lalaking nakatayo sa harap niya.
But it doesn't matter. Alam ko naman na sobrang guwapo niya sa suot niyang suit. I know he's like those heroes that I often read in romance books. Iyong mga almost perfect na hero. Iyong mamahalin at aalagaan ako—pero kumunot ang noo ko nang makita na may hawak na isang monster energy drink at clubhouse sandwich ang groom ko.
Tapos ay unti-unti niyang ginalaw ang kanyang ulo para tumingin sa akin—
I immediately opened my eyes. It was a beautiful dream, but I feel like I don't want to know what's going to happen next. Hindi ko nakita ang mukha niya, pero iisipin ko na lang na si Prez Xian ang naghihintay sa akin sa altar na iyon! But wait, mahilig ba si Prez Xian sa monster energy drink? Goodness! Napasapo na lang ako sa noo ko kasi isa lang ang kakilala kong patay gutom na mahilig din sa monster energy drink at clubhouse sandwich. Sa huli ay napabuntong hininga na lang akok at napa-iling.
I took a glance at the wall clock and saw that it's just five in the morning. Ha! I woke up earlier than the usual, huh?
Wala pa naman akong gagawin dahil masyado pang maaga kaya naman nagpasya ako na mag-exercise muna sa kuwarto ko. Hindi pa talaga sumisikat ang araw, pero nang pagpawisan na ako ay nagpahinga lang ako saglit bago nagpasyang maligo at magbihis na. Nang matapos at nang mapatuyo ko na ang buhok ko at nagpasya na rin na lumabas.
I even checked my phone while I'm inside the elevator. Wala pa ring text sa akin si Beau, bagay na nakakapagtaka. Gano'n pa man ay nagkibit na lang ako ng balikat at hindi ko na pinansin pa iyon. Pagkababa ko ay naglakad na ako papunta sa kung saan ako puwedeng maghintay ng bus, sakto naman na nakita ko si Cory na naglalakad.
"Bakla, tara na!" agad na wika niya sa akin habang nakangiti. "Naunahan ko ata si Fafa Beau sa 'yo ngayon!" sabi niya at nakakaloko pang ngumisi sa akin.
"Hindi naman kami laging magkasama, ah?" sagot ko na lang kunware. "Tara na para makakain muna tayo ng breakfast!" dagdag ko pa.
Hindi naman na kami nagdalawang isip na magpunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nang makarating ay pumasok na kami agad doon tapos ay binuhay na niya ang makina nito, at umalis na rin naman kami.
"Wala ka bang balak na mag-driving lesson? I mean, for sure isang sabi mo lang sa parents mo na bigyan ka ng sasakyan ay bibilhan ka agad nila. Para lang hindi hassle na naghihintay ka araw-araw ng bus. Hindi naman kasi lagi ay nagkakasabay tayo, o kayo ni Fafa Beau," sabi ni Cory habang nakatingin sa daan.
"Mahina kasi ang loob ko sa ganyang bagay, Cory. Yes, I want to try. Gusto ko kasi talagang matuto na magmaneho. Pero parang hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang kinakabahan at natatakot na ako," sagot ko naman kaya mahina siyang natawa.
"Bakla, ganyan din naman ako dati. Pero walang mangyayari kung hindi mo lalakasan ang loob mo!" wika ulit niya kaya ngumiti na lang ako at marahang tumango.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
JugendliteraturThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
