Amira
A lot of things had happened these past few days. Kahit na papaano ay naging maayos at magaan naman ang lahat. Ang isang bagay pa na nakakakilig ay nang lapitan ako ni Ariston, hindi dahil sa crush ko siya at kinikilig ako sa kanya, kung hindi dahil hiningi niya ang tulong ko na maglagay ng gifts sa table ni Deyanne.
Nakakatuwa lang kasi sobrang cute! Tapos nang mga sumunod na araw ay gano'n pa rin. Medyo nagtataka ako kung bakit hindi na lang siya ang magbigay, gayong alam naman ng lahat na crush na crush siya ni Deyanne. Pero sa huli ay hinayaan ko na lang. After all, he's also giving me books in return. I would even sell my friend, Conrado, for books.
"Ang akala ko talaga nililigawan ka ni Ariston, todo emote pa ako sa kanila nung isang araw eh," natatawang wika ni Beau isang araw habang magkasama kaming nakaupo sa mga bench sa Rose Garden.
"Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na gusto niya si Deyanne?" tanong ko naman, hindi ako nakatingin sa kanya dahil abala ako sa pagbabasa ng isang romance novel. Kinuha ko pa ang milktea na nasa mesa tapos ay uminom doon, pagkababa ko ulit no'n ay nakita kong kinuha ni Beau at ininom din agad.
"Akin iyan!" agad na reklamo ko, bago ko pa iyon makuha at mabawi sa kanya ay naka-inom na nga siya. "Ang takaw naman eh!" pagrereklamo ko pa kaya mahina na lang siyang natawa.
"Malay ko ba kung nagustuhan ka niya bigla? Ang ganda mo pa naman," sagot niya sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya, pero umarte ako na wala iyong epekto sa akin at bumalik na lang sa pagbabasa.
"Eh, ano naman kung may magkagusto sa akin? I mean, hindi sa sinasabi kong maganda ako, pero single naman ako," wala sa sariling tugon ko.
"Kung sabagay..." wika niya. "Subukan ka nilang agawin sa akin, kung kaya nila," pabulong na dagdag pa niya kaya bahagya akong napatingin sa kanya.
Madalas talaga hindi ko alam kung seryoso ba siyang nanliligaw sa akin o ano. Sobra kasi ang pagiging pilyo at maloko niya, na madalas ay iniisip ko na nagbibiro lang siya.
"Bakit hindi ka na lang magkuwento sa akin tungkol kay Bethany?" tanong ko, nakita ko kung paano siya natigilan dahil sa sinabi ko na tila ba nag-iisip ng sasabihin. I know that I'm being too nosy right now, but I'm really curious about his personal life.
"For me, she's the kindest and sweetest person..." malumanay na paninimula niya. "Alam mo iyon? Pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid, at siguro minsan totoo na may mga magulang sa pamilya na... walang paki sa pangalawang anak. I mean, favorite ni dad si kuya, at favorite naman ni mom si Beth..." dagdag pa niya.
Agad kong sinara ang hawak kong libro tapos ay umupo ng maayos habang diretsong nakatingin at seryosong nakikinig sa kanya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin bago nagpatuloy.
"I grew up thinking that none of them likes me. Wala silang pakialam kahit na ano ang award ang makuha ko sa school, ni hindi nila ako magawang tanungin kung kumusta ba ang araw ko, kung kumain na ba ako, kung may gusto ba akong kainin o kung nagugutom ba ako. Wala silang pakialam sa akin..." may halong lungkot na wika ulit niya. "I want to take a course that has something to do with music, and she encouraged me to do what I want. Pero hindi pumayag si dad. But it's okay. Kasi andiyan naman si Beth para sa akin. She's very clingy, and she likes me a lot. Naging okay lang sa akin kahit na madalas ay nararamdaman ko na walang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Kasi nasa tabi ko naman si Beth, eh. Kaya hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako," mahabang saad pa niya. "Noong sa bahay pa ako umuuwi, hindi iyan matutulog hangga't alam niyang gising ako at may tinatapos na projects. She's also feeding quite a lot," dagdag pa niya.
Habang sinasabi niya iyon ay napapangiti siya na para bang ang saya niya kapag binabalikan niya ang mga alaala na nabuo niya kasama ang kapatid niya.
"Lahat ng pagkain na hindi niya maubos, sa akin niya binibigay. Kapag alam niyang busy ako sa mga school projects or pagre-review para sa mga upcoming exams, lagi niya akong dinadalhan ng pagkain. Hindi siya pumapayag na konti lang ang kinakain ko. Kapag nag-aawa kami ni kuya, sa akin siya kumakampi. She really cares for me..." wika ulit niya. "Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit... madalas, kahit na walang paalam ay kumukuha ako ng pagkain sa fridge ng mga kaibigan ko. At sobrang dali rin kuhanin ng loob ko. Bigyan ko lang ako ng pagkain, magiging totoong kaibigan na ang turing ko sa 'yo..." aniya at tumingin sa akin. "Do you know the reason why?" tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
