Beaumont
"Kami ang dapat na humihingi ng sorry sa 'yo, anak..." emosyonal na wika ni mom kaya agad akong napatingin sa kanya. Malungkot pa siyang ngumiti sa akin bago nagpatuloy. "I know that we made you feel alone, na kahit kasama mo kami rito noon ay parang mag-isa ka pa rin. At sobra kaming nagsisisi na hindi ka namin nabigyan ng sapat na atensiyon. Ang nasa isip namin ng dad mo ay malakas ka at kaya mo na ang sarili mo. Sa inyong tatlo, ikaw iyong tipo ng tao na gagawin mo kung ano ang gusto mong gawin, at hindi ka natatakot na... mabigo at madapa, hindi ka natatakot sa sasabihin naming at ng ibang tao, kaya nabigo kaming makita na... hindi sa lahat ng oras ay malakas ka, na may mga pagkakataong kailangan mo pa rin ng pamilyang masasandalan. I'm really sorry, anak..." mahaba at lumuluhang dagdag pa ni mom.
"I was busy training your kuya Axel on how to handle our company, and I failed to see that I still have another son. Hindi naging patas ang tingin ko sa inyo, hindi ako naging mabuting ama, at sobra akong nahihiya sa 'yo..." saad naman ni dad.
"Mula noong bata ka, hindi kita kailanman nakitang umiyak. Kahit na nag-aaway kayo ng kuya Axel mo, at kahit na may mga pagkakataong nasusugatan ka. Pero nang mawala si Beth, iyon ang unang beses na nakita kitang umiyak at nasaktan ng sobra. And that's when I realized that... you may act tough and strong in front of us, but deep inside, you're still a lost little boy... trying to find the place where you belong, where people would accept and love you along with your flaws and imperfections. At iyon ang bagay na hindi namin naiparamdam sa 'yo..." umiiyak pa rin na wika ni mom.
"Mula nang mawala ang kapatid mo, nakita namin na mas lumayo na ang loob mo sa amin. At sa totoo lang ay matagal na kitang gustong lapitan, at yakapin, at sabihin sa 'yo na... magiging maayos din ang lahat, anak. Makakaya natin ito basta magkakasama tayo. Pero hindi ko na nagawa kasi... kasi pinangunahan ako ng takot na magalit ka sa akin. Kasi simula pa lang ay wala naman ako sa tabi mo. Wala ako sa tuwing nakakatanggap ka ng award sa school, wala ako sa masasayang okasyon sa buhay mo, ni hindi kita nasamahan sa mga recognition at graduation mo. But I tried to control you and your decisions. Ako ang nagdesisyon ng kursong kukunin mo, ang klase ng dorm ng tutuluyan mo, at kung kanino ka dapat makipagkaibigan... hindi ako naging mabuting ama sa 'yo. At hindi kita magawang lapitan at kausapin ng maayos dahil natatakot akong maramdaman na hindi mo kailangan ng isang ama... kasi sanay ka naman nang lagi akong wala para suportahan ka..." wika ulit ni dad, narinig ko pa ang pagsinghot niya at nakita ko ang namumula niyang mga mata dahil sa pagpigil sa luha na nagbabadyang tumulo.
Napayuko na lang ako dahil sa mga naririnig habang tahimik na umiiyak.
"You're right..." mahina ang boses na wika ko naman. "Iyon po ang naramdaman ko. May mga pagkakataon na gusto ko pong kumustahin niyo ako noon. Iyong magtatanong kayo sa akin kung kumain na ba ako, kung kumusta ang araw ko, kung may gusto ba akong kainin, kung may problema ba ako... iyong mga simpleng tanong lang po na kahit na papaano ay magpaparamdam sa akin na... pamilya niyo pa rin po ako. Pero kahit na minsan ay hindi ko po narinig ang mga bagay na iyon sa inyo. Sinubukan kong mapalapit kay kuya," wika ko pa tapos ay tumingin kay kuya Axel. "But if he's not busy with his trainings with you, dad, he's always with his own circle of friends. But it's okay, kasi kasama ko naman po si Beth. She's the only one who made me feel like I have a family. She's my everything. Kaya nang mawala po siya, doon ko naramdaman na mag-isa na lang talaga ako."
"I'm really sorry, anak. I'm really, really sorry..." wika ni mom bago napatakip ng mukha gamit ang magkabilang kamay at humagulgol pa. Nakita ko naman na inakbayan siya ni dad habang marahang hinahaplos ang likod nito.
"Mom, dad, kuya... ako po ang dapat na humingi ng sorry..." umiiyak din na wika ko. "If only I was courageous enough to open up with you, we shouldn't have gone all through this. Pero mas pinili ko po na ilayo ang loob ko sa inyo kaya sorry po. Mali po kayo. Hindi po ako malakas. Mahina po ako kasi... kasi mas pinili ko na takbuhan at takasan ang mga problema, kesa harapin ang mga ito na kasama kayo. Kaya sorry po..." dagdag ko pa habang ang mga luha ay patuloy sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Novela JuvenilThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
