Chapter 22

90 53 3
                                        

Beaumont

I am not okay. I was never okay and I don't know if I'll ever be okay. Pero kailangan kong umakto na okay lang ako. Kailangan kong magpatuloy sa buhay. Wala namang bago sa ganito dahil matagal ko na itong ginagawa. I've always been so good at pretending that I am okay, or so I thought. Iyong tingin kasi na binibigay sa akin nina Ariston at Eli sa tuwing nakakasama ko sila ay parang may halong pag-aalala. Iyong tipong gusto nilang magtanong pero hindi nila ginagawa.

Matapos kaming pinatawag sa DO, at matapos ang huling pag-uusap namin ni Amira ay medyo umiwas ako sa lahat. Although during our breaks, we still have to go to the university to do some community service as our punishment.

Hindi ko pa rin nakakausap ang mga magulang ko tungkol sa pagbibigay nila ng puso ni Bethany kay Amira. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay hindi ko sila kayang makaharap. These past few months, I spent most of my days with different people. Sumasama ako madalas sa mga kakilala at nakakalaro ko sa mga friendly basketball or soccer matches.

May mga pagkakataon din na kasama ko sina Ariston at Eli, pero hindi ako nagsabi sa kanila ng kahit na ano dahil alam ko na may mabigat din silang pinagdadaanan. Kagaya ko ay sobra rin silang apektado sa gulong nangyari at sa away ng wasalak. Alam ko na mali ang sisihin si Amira, at sobra akong nagsisisi sa ginawa ko. Ngayon ay nahihiya na akong harapin siya.

Aside from that, pakiramdam ko ay na-confuse ako sa nararamdaman ko dahil sa nalaman. Feeling ko kasi talaga ay magaan lang ang loob ko sa kanya dahil nasa kanya nga ang puso ni Bethany. Maybe it's just some sort of a connection because I loved my sister dearly.

If I pursue Amira, would it look like I'm dating my little sister? I don't know. But that thought is very creepy.

"I think Deyanne is in trouble," wika ni Ariston habang nakatingin sa phone niya pagkatapos ng meeting namin with the soccer team.

Sabay kaming napalingon nina Eli at Chase nang sabihin iyon ni Ariston. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Sa totoo lang ay gusto kong bumalik na sa dorm ko at magpahinga, pero sinamahan pa rin namin siya na puntahan si Deyanne.

As soon as we arrived at a resto-bar, we walked straight in. Medyo kumunot ang noo ko kasi ay mukhang wala namang emergency.

"What's going on?" nagtatakang tanong ni Ariston bago binalingan ng tingin si Deyanne na sinalubong kami. "There's no emergency situation, I guess. Mona is here. Hadleigh is also here. Mukhang alam ko na ito."

Ngumiti naman si Deyanne at nag-peace sign. "Sorry kung nag-alala ka. Kailangan na kasing maganap ito."

Sunod naman na dumating sina Perry at Patrick. At nang maging si Thiago ay dumating na, halata sa reaksiyon nito na hindi niya nagustuhan ang nadatnan.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" sigaw pa niya.

Tahimik lang ako habang tinitignan ang mga kaibigan ko at nakikinig sa kanila. I was really moved by what Deyanne said. Na nakita raw niya ang pagbabago kay Ariston mula nang magkagulo ang wasalak. Na ngingiti ito pero hindi naman nawawala ang lungkot sa mga mata niya, at kung minsan ay matutulala pa.

I also noticed that, and like I said, it's one of the reasons why I didn't bother to tell them what I was going through.

Mona, Lucas' love interest also said that Lucas changed a lot. Hindi na raw nito gustong makisalamuha sa iba. Nakakatuwang isipin na sobrang concern nila sa pagkakaibigan ng wasalak.

In the end, their plan worked. Naging okay na ulit ang wasalak pagkatapos ng matagal na pagtatampuhan. Masaya ako, iyon ang totoo. Kasi ay kaibigan ko sila at mahalaga sila sa akin. Hindi ko na rin kasi gusto na makita silang nalulungkot.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon