Chapter 1

254 63 7
                                        

Amira

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Tapos ay bahagya pa akong huminto sa paglalakad at marahang hinaplos ang parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Bahagya kasi iyong nanikip dahil sa nangyari.

Pakiramdam ko ay na-highblood ako dahil sa kayabangan ng lalaking iyon. He introduced himself as Beaumont Adams Anderson, and I would love to write his name down on death note if it's possible.

Nakakainis!

Ilang araw pa lang simula nang mag-start ang pasukan. I am Amira Montealegre, a first-year college student of Montecillo University taking up Business Management.

Kung alam ko lang na mangyayari ang nangyari kanina sana ay hindi na ako nag-decide na maglibot sa university. Maganda ang Montecillo University. Lahat ata ng bagay na makikita mo sa loob ay nagsusumigaw ng karangyaan. Masyado itong malaki at tiyak na maliligaw ang kahit na sino lalo na kung hindi ka pamilyar sa lugar.

Gusto ko lang naman na maging pamilyar sa unibersidad na pinapasukan ko, lalo na't dito na rin ako titira sa loob ng ilang buwan. I just want a normal university life! But why do I feel like it would turn otherwise?

"Girl, napano ka?" napalingon ako kay Conrado nang itanong niya iyon.

Conrado 'Cory' De Asis is one of the few friends that I made here in Montecillo University. Isa siyang babae na nakulong sa katawan ng isang lalaki. Sa totoo lang ay ang guwapo niya, hindi mo iisipin na binabae siya maliban na lang kapag narinig mo siyang magsalita. Mas maarte at maharot pa kasi ang boses niya kesa sa akin.

"Nah, I just met a pervert," sagot ko.

"Oh my golly banana, where?" eksaheradang tanong niya. "Para naman makadaan din ako minsan," dagdag pa niya kaya mahina akong natawa.

Cory is also taking Business Management. Mas matutuwa sana ako kung sakaling magkasama kami sa dorm, pero hindi naman puwede iyon kasi lalaki pa rin siya. Ang bakla naman tuwang-tuwa kasi puro lalaki ang nakikita niya sa dorm.

Actually, there are a lot of friendly people here. Iyon nga lang ay hindi ako masyadong sanay na makihalubilo sa iba. Madalas nga ay hindi ako nagsasalita, unless ay may kakausap sa akin. Kahit gaano pa kasi sila kababait, madalas ang mga pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga branded na gamit na meron sila. Hindi nawawala ang payabangan at hindi ko gusto iyon. Another thing is, some people can be mean sometimes, and it's scary... kaya rin siguro medyo natatakot ako na makihalubilo.

I was about to say something but my phone rang. Kinuha ko naman iyon mula sa shoulder bag ko para tignan kung sino ang tumatawag. I smiled as I saw my mom's name on the screen.

"Hello, mom?" bati ko.

My mom's name is Jona, and my dad is Jaguar Montealegre. May kapatid si dad na ang pangalan ay Leon. Hindi ko alam pero para sa akin ang cool ng pangalan nila.

"Hey, princess, it's dad," narinig ko ang mahinahong boses ni dad mula sa kabilang linya. "How are you, princess? How's your stay in your dorm so far? Are you comfortable?" sunod-sunod na tanong niya.

Mahina akong natawa dahil doon. They are really over-protective. Sa totoo nga niyan ay hindi sila pabor sa ideya na mananatili ako sa university dorm. They are both against the idea. It was actually a very long discussion with them. At sobrang saya ko nang sa huli ay pumayag din sila.

I had always wanted to try living on my own. Gusto kong masanay na ako ang nag-aalaga sa sarili ko at hindi laging nakadepende sa mga magulang ko. Simula pagkabata ay nasa bahay lang ako, ni hindi ko maranasan ang maglaro sa labas at magkaroon ng mga kaibigan dahil sa pagiging over-protective nila sa akin.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon