Amira
The next day, I woke up early. Tumitig muna ako sa kisame at hindi agad na tumayo. Nang medyo nakapagpahinga na ay saka ako nagpasyang maligo na. Nang matapos ay makapagbihis na rin ay dumiretso ako sa maliit kong fridge. Napanguso ako kasi wala man lang puwedeng kainin for breakfast.
I was in the middle of drying my hair when I heard my phone beeped. Kinuha ko naman iyon mula sa bedside table at nakita na may isang notification message si Beau sa akin sa Instagraf.
@captainbeaumont
Good morning, love! Hintayin kita malapit sa soccer field. Let's have breakfast together and I'll drive you home right after.
Hindi ko alam kung bakit napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa nabasa. Ang dating kasi sa akin no'n ay parang may relasyon kami. Nakakapagtaka kasi hindi man lang ako nainis o kinilabutan sa ideyang iyon. Hindi gaya nang mga nauna naming ingkuwentro na asar na asar ako sa kanya.
Saglit akong huminto sa ginagawa habang nag-iisip kung ano ba ang ire-reply ko sa kanya.
@amiralovesyou
I'll be there in a few. Thank you!
@captainbeaumont
I love reading your username, love.
Iyan ang reply niya na may kiss emoji pa sa dulo. Bahagya akong napanguso dala ng kahihiyan. Kung iisipin ay parang hindi nga maganda ang username na gamit ko. Hindi bale, papalitan ko na lang mamaya.
Ibinaba ko na ulit sa bedside table ang phone ko tapos ay nagpasyang bilisan na sa ginagawa. Nang matapos ay hinila ko lang ang shoulder bag ko at nagpunta na sa soccer field.
"Hey," nakangiting bati sa akin ni Beau nang makita ako.
"Sorry kung medyo natagalan ako," wika ko naman.
"It's okay, alam ko naman na gusto mong magpaganda para sa akin. It's understandable," mayabang na sagot niya kaya napangiwi ako. Hindi na lang ako nagsalita kasi alam ko naman na hindi siya mauubusan ng sagot.
Sabay naman na kaming naglakad papunta sa parking lot, nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na paandarin iyon. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami, hanggang sa napansin ko na pinarada na niya ang sasakyan sa harap ng isang pancake house.
"Ako na ang o-order," wika niya nang makapasok na kami doon, tipid na lang ulit akong ngumiti bago tumango.
Humanap ako ng puwesto sa may bandang dulo. Malinaw ang salamin ng pancake house kaya tanaw na tanaw ang magandang view sa labas. Hindi naman nagtagal at dumating na si Beau sa mesa, dala niya ang isang tray kung saan nakalulan ang pagkain namin.
"Uhm, I don't drink coffee. Sorry hindi ko agad nasabi," wika ko nang mapansin ang dalawang mug ng kape, maliban sa pancake na nasa tray din.
"Oh, I should've asked. Pasensiya na. Anong gusto mo? Ipang-o-order kita ulit," sagot naman niya.
"Hindi na, okay na ako rito sa tubig," sagot ko naman. May dalawang baso rin naman kasi ng tubig ang kasama sa tray. Mukhang balak pa nga ata niyang mamilit pero ngumiti na lang siya sa huli. At dahil gutom na rin ako ay hindi na ako nagdalawang isip na kumain na. "Sigurado ka ba hindi ako nakaka-abala sa 'yo?" tanong ko mayamaya lang.
"Like I said, wala naman akong ibang gagawin ngayong araw," sagot niya.
"Wala ka bang balak na umuwi sa inyo?" kuryosong tanong ko ulit. Nakita ko na bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko, pero ngumiti lang ulit siya at umiling.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
