Amira
"I want to marry someone who makes every second of my life worth living. Gusto kong magkaroon ng tatlong anak kasama siya, o apat kaya?" nakangiti at may halong lambing na wika ni Prez Xian habang titig na titig sa mga mata ko na para niya akong inaakit.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dala ng labis na kilig na nararamdaman. I mean, sino bang hindi kikiligin dahil sa narinig? Sobrang guwapo pa niya! Tapos ang titig niya sa akin ay para akong dinadala sa ibang dimensiyon.
"T-Tatlo?" mahina at may halong kaba na tanong ko naman.
Prez Xian moved a bit closer. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko nang marahan niyang haplusin ang kaliwang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya. Matamis pa siyang ngumiti sa akin na para bang inaakit talaga niya ako.
"Bakit, ilan ba ang gusto mo?" puno ng lambing na tanong niya. Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Beau sa gilid, may hawak siyang isang monster energy drink at isang clubhouse sandwich.
"Twenty-four na anak ang gusto ko!" sagot pa ng mokong bago kumagat sa hawak na sandwich at nang-aasar na ngumisi sa amin.
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang pag-ring ng phone ko. Naiinis kong iminulat ang mga mata at kinuha sa bedside table ang phone ko. I gritted my teeth in annoyance when I saw Beaumont's name. Nakaka-inis! Umeksena na nga sa panaginip ko, tapos pangalan pa niya ang una kong makikita sa umagang ito!
"What?" pagalit na tanong ko pagkasagot ng tawag.
"Good morning, too, love! Umagang-umaga kaya huwag kang magsungit. Nasa may soccer field ako. May ibibigay lang ako sa 'yo! At dahil sanay naman na akong maghintay, hihintayin kita!" mahabang saad niya na may halong hugot pa at ibinaba na ang tawag.
Sanay na raw siyang maghintay, eh ni hindi man nga lang niya ako hinintay na makasagot. Saglit muna akong tumitig sa kisame bago nagpasyang maligo at magbihis na. Mabilis na lumipas ang mga araw at sobra akong naging busy sa dami ng mga kailangang gawin. Lalo na't parte ako ng SSG, pero nakakatuwa rin kasi lagi kong nakikita si Prez Xian.
Mula noong araw na hinatid ako ni Beau sa bahay, nakasama namin siyang mag-dinner, at nanuod kami ng sine na magkasama ay mas napadalas na ang panggugulo niya sa akin. Halos araw-araw na kung mang-asar siya. Hinahayaan ko na lang kasi mukhang ugali na talaga niya iyon, hindi ko naman gusto na mas mapikon lang lalo at baka masipa ko na naman siya sa kung saan.
Gaya nito, umagang-umaga ay asar na naman ako sa kanya dahil lang sinira niya ang maganda sanang panaginip ko. At kesa masira ang buong araw ko ay inisip ko na lang ang guwapong ngiti ni Prez Xian. Just like that, and I was able to think of happy thoughts. Hindi na tuloy ako makapaghintay na magpunta sa SSG Office mamaya para sa meeting namin.
Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas na ako sa dorm at bumaba na. Agad ko namang naabutan sa may soccer field si Beau gaya nang sinabi niya kanina bago niya ibinaba ang tawag.
"Ang tagal mo, hindi mo naman kailangang magpaganda para sa akin kasi maganda ka na talaga!" wika niya na siyang nagpangiwi sa akin.
"Excuse me, hindi ko po sinabi na hintayin mo ako! At FYI lang, hindi ikaw ang rason kung bakit nagpapaganda ako!" giit ko naman, kumunot ang noo niya dahil sa narinig.
Hindi naman talaga ako nagpaganda. I just did my usual morning routine. I put on some face powder and applied a lip tint. Iyon lang ang ginawa ko kasi iyon lang naman ang nakasanayan ko. Hindi ako sanay na naglalagay ng kung ano-ano pang pampakulay sa mukha.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Genç KurguThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
