Beaumont
My university life had never been this fun. This is actually the first time that I met a girl who's as feisty as Amira, and I think that's one of her charms. I have to admit that I am attracted to her. Malamang ay iyon ang dahilan kung bakit lagi ko siyang inaasar, gusto ko na makita siya na laging naiirita kasi gusto ko na makuha ang atensiyon niya.
There's just something about her that's keeping me entertained. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangang magpapansin sa kanya kasi sawa na ako sa atensiyon na binibigay sa akin ng mga babae rito sa university. Maging kaibigan ko ba naman sina Ariston at Eli. Just one wink at them, they will surely scream out of joy and drool over us.
But Amira's different.
Earlier this morning, I know that I overreacted when I saw her at the garden. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko para isipin na ako ang kausap niya. When she said 'be free, be happy...', I felt like it triggered something inside me.
Hindi ko na kasi matandaan kung saan ko narinig iyon. But somehow, it brings pain to me and I don't know why. Kaya naman iniwan ko na siya dala ng hiyang nararamdaman nang sabihin niya na paruparo pala ang kausap niya. I mean, sinong baliw ang kakausap sa paruparo? Edi siya! But at the same time, I think she's cute.
Right after playing a friendly soccer match, I had decided to go to the university store to buy some energy drinks.
Kumunot pa nga ang noo ko nang mapansin na sakay siya ng isang sports car. Umakbay pa sa kanya iyong kasama niyang lalaki tapos ay nag-picture sila at nagtawanan pa pagkatapos. I was under the impression that they're in a relationship. Pero nang marinig kong magsalita ang kasama niya sa loob ng store ay napagtanto ko na baka mas type pa nga niya ako kesa kay Amira.
They are clearly just friends, and I'm very happy about that. As usual, inasar ko na naman si Amira. Tuwang tuwa ako kapag nakikita ko na parang uusok na ang ilong niya sa galit sa akin. Nang sa tingin ko ay quota na ako ay nagpaalam na ako sa kanila.
Pagkaalis ko sa university store ay dumiretso ako sa dorm ni Ariston. Inilagay ko kasi sa fridge niya iyong strawberry shortcake na galing kay Amira. That's enough for my dinner, I guess. I'm going to eat it wholeheartedly and enjoy it as if she really gave it to me with so much love and affection.
Bro, I must be crazy.
Nagmadali ako sa pag-akyat sa dorm ni Ariston kasi baka makita iyon ni Eli at unahan pa niya ako sa pagkain. Hindi naman kasi papansinin ni Ariston iyon. He has tons of foods inside his fridge. Hindi nga rin niya pansin ang mga iyon, eh. Hinahayaan lang niya kami ni Eli na laging umubos.
Tuwang tuwa ako pagkapasok ko kasi walang tao. Sa totoo lang ay bawal na tumambay rito. It's one of the dorm rules. But well, most of the times it's kind of fun to break some rules. Ilang beses na rin kaming nahuli ni Xian, ang President ng SSG at nabigyan ng parusa pero parang wala lang iyon sa amin.
Malamang ay sumasakit ang ulo ni Xian sa amin. Maging si Ariston na rin siguro kasi lagi siyang nadadamay sa parusa. Poor Ariston! But it's his fault for having so many foods inside his fridge!
Dumiretso ako sa fridge at binuksan iyon, tapos ay kinuha ko ang strawberry shortcake at dumiretso sa study table ni Ariston. Sobrang ayos ng mga gamit ni Ariston. He also has tons of tools for calligraphy. Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi na pinansin iyon.
"A well-made strawberry shortcake given to me with love and affection!" bulong ko habang malawak na nakangiti.
I used a plastic spoon and scooped a spoonful of it and shove it inside my mouth. Pumikit pa ako at bahagyang umiling para mas damhin ang sarap nito.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Roman pour AdolescentsThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
