Beaumont
Days turned fast and I couldn't be happier. Pakiramdam ko ay blessing in disguise na nilagnat ako. I mean, Amira took care of me and I feel like it's melting my little heart. Although sa ilang araw na nagpahinga lang ako sa dorm ko ay nariyan ang dadalhan ako ng pagkain nina Ariston at Eli, iba pa rin ang pakiramdam na pinagdadala rin ako ng pagkain at inalagaan ni Amira.
Don't get me wrong, I appreciate my two friends. It's just that... masaya talaga ako kasi nakita ko ang side ni Amira na pagiging maalaga. It makes me want to just get sick forever and have her take good care of me forever as well.
Parang hindi ka nagkasakit sa kaharutan mo, Beaumont! Sigaw sa akin ng kaliwang bahagi ng utak ko kaya napanguso ako.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na okay na ako sa mga kasalukuyan kong kaibigan at nakakasama, pero nagbago iyon nang makilala ko si Amira. Aside from that, I failed to mention that I also get to be part of wasalak because of Ariston, a group of friends here in MU. It's not a fraternity or anything, just a group of friends who are fun and easy to be with.
Nariyan sina Lucas, Thiago at Thunder na akala mo ay laging makikipag-away. Sila ang tipo ng tao tao na matatakot at mai-intimidate ka sa una. Pero kapag nakilala at nakasama mo na talaga sila, you'll see how cool they are.
Nariyan din sina Patrick at Perry, na may pagkabaliw din. Kung sabagay, sa tingin ko ay hindi kami magkakasundo lahat kung hindi kami pare-parehong baliw kung minsan. Ah basta! Sobrang saya na magkaroon ng kaibigan na kagaya nila.
May isang pagkakataon na nagkita-kita kami sa Rose Garden. I honestly have no idea what was happening at that time, ang akala ko ay normal lang ang pagbibigay ng lumang laptop ni Ariston sa kaibigan naming si Lucas. And I later found out that they were secretly helping our friend. Hindi naman sikreto sa amin na medyo hirap si Lucas financially, at naka-isip nga sila ng solusyon para matulungan ito.
How? Isang e-sabong na manipulated lang ang system. Kami-kami lang ang tumataya at nagpapasok ng pera sa tuwing may session kami. It's like an indirect financial help to him. Pero siyempre ay hindi namin sinabi ang totoo kay Lucas. Alam naman namin na magagalit siya kapag nalaman niya na manipulated lang ang site na binigay namin sa kanya para sa talpakan.
Nakakatawa nga kasi ay may isang pagkakataon na kinabahan kaming lahat sa pag-aakalang nag-leak na ang tungkol dito. Only to find out na illegal e-mart pala ang hinahanap ng SSG officers, at hindi e-sabong. That same night, we get to meet Chase Castellion na babawalan lang sana kami dahil naingayan siya sa amin. Ang kaso ay nahila nga siya at napasama na rin sa inuman namin.
University Meet is approaching really fast. Our friend, Chase, the captain of Motecillo Kings, the official soccer team of Montecillo University asked Ariston to be part of the team so they can take advantage of his influence. Montecillo Kings is in shamble because no one wants to join. At kapag na-dissolve ito permanently ay maraming estudiyante ang puwedeng maapektuhan at mawalan ng scholarship. Nagtataka ako kasi wala namang hilig sumali sa ganito si Ariston, malamang ay sumali siya para makatulong.
At dahil madalas ay halos hindi na nga kami mapaghiwalay na tatlo nina Eli ay nagpasya kami na sumali na rin. I love sports, to be honest. Mahilig akong sumali sa mga friendly matches pero hindi ako sumali sa kahit na anong official team ng MU. But since my friends are going to join, sumali na nga rin ako. We've been very busy with practice, at dahil nga parte ng SSG si Amira ay naging busy rin siya sa mga sumunod pang araw.
Isang hapon habang kasama ko ang mga kaibigan kong nakatambay ay nakita ko na naglalakad si Amira, kasama ang kaibigan niya na si Cory. Agad akong napangiti kasi ay ilang araw din kaming hindi nagkita. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko na abala sa masayang pagkukuwentuhan, nagpasya ako na iwan na sila at lapitan si Amira.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (Published)
Teen FictionThis book is already published under TAD (The Authors' Den). If you are interested to order a copy, you may send me an email at: aljsantos111@gmail.com or message me directly on my FB account: Aljon Santos Candelaria Blurb: Playful Beau threw a pape...
