Chapter 2

167 61 11
                                        


Amira

Hindi ko maintindihan pero sobra akong kinakabahan sa presensiya ni Xian kanina. Ni hindi nga ako makapag-focus sa klase dahil alam ko na kailangan ko ulit siyang harapin mamaya. The way he talked to me earlier this morning screams so much authority, and it's intimidating me to damn hell. Mukha naman siyang mabait dahil ang guwapo niya, at hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako na makaharap ulit siya.

Ipinagdarasal ko na sana ay bumagal ang takbo ng oras. But who am I kidding? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito kasi hindi ko namalayan na malapit nang mag-alas kuwatro.

"Bakla, kain tayo," ani Cory habang naglalakad kami sa corridor.

"Kailangan ko pang kitain ang SSG President, 'di ba? Sa ibang araw na lang," mahinang sagot ko.

"Alright, then. I'll see you tomorrow!" wika ulit niya at humalik pa sa pingi ko bago naglakad paalis.

Napabuntong hininga na naman ako dahil sa hindi maalis na kaba. Gano'n pa man ay alam kong wala naman akong choice kung hindi ang magpunta sa library. It's just 3:30 PM, but the library is kind of far from Business and Economics building. Kaya naman nag-decide na ako na maglakad. May mga bus naman sa university na puwedeng sakyan, pero mas gusto kong maglakad para maging familiar na rin sa kabuuan ng lugar.

Hindi ko rin naman gusto na mas lalong hindi maging maganda ang impresyon sa akin ni Xian lalo na't nakita niya ang ginawa ko kanina. I don't want to make him wait for me. Mas okay na ako ang naghihintay kesa paghintayin ko ang iba.

Habang mas napapalapit sa library ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nang sa wakas ay nasa harap na ako ng library ay saglit muna akong huminto, huminga ng malalim at pilit na ngumiti.

May campus tour naman kami noong orientation pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang hindi malula sa laki ng mga buildings dito. Nang makapasok na sa library ay iginala ko ang paningin ko sa paligid. I have no idea where to go. Naghahanap ako ng signage na may nakasulat na VIP lounge pero wala akong makita.

"Uhm, excuse me po," pagkuha ko sa atensiyon ng isang guwapong lalaki.

Medyo kinabahan pa ako nang huminto siya at matamis na ngumiti sa akin. He looks so kind and gentle. Hindi ko ma-explain ng maayos pero para sa akin, mukha siyang hindi marunong magalit.

"Yes?" nakangiting tanong niya sa akin.

Finally! Sigaw ko sa isip ko. Finally, may nakasalamuha rin ako sa university na mukhang hindi pinaglihi sa sama ng loob.

"P-Pasensiya na po sa abala, pero puwede ko po bang itanong kung saan ang VIP lounge?" medyo kinakabahan na tanong ko.

Itinuro niya ang kaliwang banda niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Tinignan pa niya ako na may halong pagtataka at hindi ko alam kung bakit.

"Freshman?" tanong niya, marahan naman akong tumango bilang tugon. "Mukhang kinakabahan ka. Are you, by any chance, meeting Xian?" tanong ulit niya na medyo kinagulat ko.

"Kilala niyo po siya?" tanong ko, mahina naman siyang natawa.

"Xian is a friend. He's kind and sincere. Kaya hindi mo kailangang kabahan. Unless, may ginawa kang hindi maganda?" aniya, napalunok ako dahil sa huli niyang sinabi at pilit na ngumiti.

"P-Parang gano'n na nga po," nahihiyang sagot ko.

"Drop the 'po'. You can just call me Xander. Mukhang mapapadalas na rin naman ang pagkikita natin," pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay na agad ko namang tinanggap. "And don't worry too much. I'm pretty sure that he'll go easy on you," dagdag pa niya.

MU Series: The Naughty Jock (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon