04: Masquerade Party

388 66 19
                                    

CHAPTER 4

Masquerade Party

PRINCE POV'S

I ENCOUNTERED a brat woman today. She looked professional pero ang bata niya mag-isip. Pasalamat siya, napigilan ko ang sarili kong mag-mura.

"Prince, mukhang hindi ka excited ah" tawang sabi ni Marky.

"Nainis lang ako. Dahil sa babaeng nasa hotel. Para kasing nakilala ko na siya. Pero tinapunan niya lang ako ng milk tea. Walang professionalism. Magkasing-edad lang kami. I'm sure may pinag-aralan naman siya." singhal ko.

"Siguro dahil, hindi ka gentleman makipag-usap" saad naman ni Tyler.

"I talked to her in a nice way. Inikutan niya lang ako ng mata pagkatapos ng ginawa niya. She's such a brat!" iritadong sabi ko.

They both laughed.

"Hayaan mo na, hindi na kayo magkikita nun" sabi ni Marky.

"I agree. And besides, you have Sam in your life. Diba, girlfriend mo na siya?" tanong ni Tyler.

"She's not my girlfriend. She's a friend. And stop calling her my girlfriend, bro" ani ko sa kanya.

"Well, we don't know." he smirked. "By the way Marky, anong kulay ang susuotin ni Scarlet? Para naman, makita ko siya agad mamaya. May sayawan pa diba, bago siya magpakilala? I want to dance with her." sabi niya kay Marky.

"I don't know. Wala akong balita. Pero, kung kayo talaga for each other, edi madali mo lang siyang makita" tugon ni Marky sabay na ngumiti sa akin.

Binalewala ko lang iyon at inayos ang suot ko. It's a masquerade party. Kaya mahirap talaga mahanap kung sino si Scarlet.

'Hindi ako mag-aaksaya ng oras mamaya. Dahil may hahanapin ako..'

Mahahanap ko kaya yung babae kagabi?

Pagbalik ko sa condo unit ko, wala na siya doon. At yung sulat na iniwan ko, nasa basurahan na.

Galit siya sa akin kaya gusto kong humingi ng tawad. Maling-mali yung ginawa ko. Pero hindi ko mabura sa isip ko ang mga pangyayaring iyon.

"Hey!" nagulat ako sa sigaw ni Marky.

"Bakit? Aalis na ba tayo? Si Tyler, nasan?" tanong ko.

"Mamaya pa. Ang bait mo kay Tyler ah haha!"

"He's my cousin. Di na ako tulad ng dati, diba?" ani ko.

"I see. Nga pala, kumusta yung new unit mo? Maganda ba? Pwede ba kaming tumambay doon?" tawang tanong niya.

"No. Bawal kayo doon. Para yun sa trabaho ko." tugon ko.

"Okay. Parehas pala kayo ni Scarlet. Alam mo ba, doon din siya natulog sa bagong unit niya. Pasalamat talaga ako dahil, hindi lasing si Scarlet nung nag-taxi siya kagabi" aniya.

"Good to know." saad ko.

"Ikaw, saan ka natulog kagabi?" tanong nito.

"Sa unit ko---"

"Sabi mo, dito uwi mo dahil andito si Chairman"

"Nakatulog ako sa unit ko" saad ko.

"Sus! Hindi ako naniwala. Sa dami ng babae doon sa bar, imposibleng hindi ka nakakuha ng isa HAHAHA!" pagtawa niya ulit.

Napailing ako. "Loko ka talaga. I respected them."

"Kung babae yung nalasing hindi ka na makawala HAHAHAH!" aniya ulit at tumawa.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now