10: Mission

362 59 25
                                    

CHAPTER 10


Mission



PRINCE POV's

NAGBAGO AKO DAHIL sa kanya. Pero hindi sapat ang pagbabagong iyon para ako ang piliin niya. Aaminin ko, naging kumpyansa ako na mahal niya din ako. Pero hindi pala.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon na, tigilan ko siya. Dahil raw hindi kami pwede. Napakababa ng kanyang rason. At ngayon, mahihirapan na akong kunin siya. Dahil, silang dalawa na ni Tyler.

''Nangarap din ako na maging tayo. Pero, mukhang hindi na iyon mangyayari...''

Pumasok na naman sa isip ko ang salitang binitawan ko nung huli naming pag-uusap. Mali ako sa pagkasabi ko. Dapat sinabi ko sa kanya na hindi ko siya susukuan. Pero kahit na, ayaw ko parin na aasa siya. Baka hindi ko na naman maitutuloy.

Nasa condo lang ako ngayon. Hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil hindi pa nawawala ang pagiging hang over ko. Ang dami kong nainom kagabi pagkatapos ng wedding party ni Jack at Missy. Ngayong araw ang flight nila papuntang Canada.

Malapit na rin manganak si Missy. At may susunod na katulad ni Jack.

Sayang, kung ako lang sana ang pinili ni Scarlet, pakakasalan ko agad siya.

Nasa kama pa ako ngayon. Wala akong gana na lumabas ng kwarto. At medyo nahihilo parin ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Yes?"

"Is this Engineer Prince Eros Cortes?" tanong ng nasa kabila.

"Ako nga, bakit?" I asked.

"My boss want to have a meeting with you sir."

"Your boss? Wala akong matandaan na makipag-meeting ako ngayong araw" I replied.

Biglang natahimik ang nasa kabilang linya hanggang sa nagsalita ulit ito.

"Hello? I'm really sorry for the inconvenience. But, on behalf of my Mother, I want to have a meeting with you sir..." nag-iba ang boses ng nasa kabila.

Boses ng isang babae.

"So, you are the boss?" I asked directly.

"Yes. My Mom really want to buy a house and lot under your estate. I heard that your company is one of the best in NY right?"

I sighed a bit. "Okay, just contact my secretary para, makapag-set siya ng meeting---" pinutol niya ang sinabi ko.

"How about today, Mr. Cortes? Excited na kasi si Mom"

"Kung gusto niyong makipag-meeting, maghintay kayo kung kailan ako pwede. Sige, bye." walang ganang sabi ko.

Ngayon lang ako ganito sa kliyente. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayong araw.

Bigla na namang may tumawag.

"Hello~" inaantok kong wika.

I heard a laughs. "Bro, wake up! How's your night? HAHAHAH!" napakamot ako ng ulo.

"Marky, pwede ba, wag mo na ako pagtawanan!" naiinis kong sabi.

Narinig ko ulit siyang tumawa.

"Hindi mo ba matandaan ang ginawa mo kagabi?" napahinto ako sa tanong niya.

"What?!"

"Curious ah HAHAHAH just ask Samantha about what happened."

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now