CHAPTER 25
A Blessing or Danger?
SCARLET POV's
NANDITO ako ngayon sa tapat ng malaking puno. Napaluha habang nakayukong nakatingin sa lapida ng nawala kong anak. Pumupunta ako dito para bisitahin siya. Nalaman kong ipinalibing siya agad ng kanyang ama pagkatapos niyang lumabas sa sinapupunan ko. Ang pagkawala niya ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko.
Nangako akong hindi na babalik sa lugar na kinatatayuan ko ngayon pero hindi ko mapigilan ang mga paa ko.
Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula noong umalis si Prince at pumunta ng France. Dahil nasa ibang bansa siya, hindi ko na tinuloy ang pagpunta ng California. Pinigilan din ako ng magulang ko sa balak kong pag-alis. Tama sila, hindi ako pwedeng umalis dahil nandito ang pinaghirapan kong Scarlet Beauty. At kung aalis ako, baka hindi ko madalaw ang anak ko dito.
Napayuko ako upang ayusin ang mga bulaklak na nasa gilid ng kanyang pangalan. Mabuti at hindi agad ako umalis noong araw na iyon dito sa bahay. Naisipan ko pang maglakad-lakad sa buong paligid at nakita ko ang puntod na ito.
Bumuhos ang luha ko nung araw na iyon. Ginawa ito ni Prince para hindi ko makalimutan ang anak namin na naging dahilan nang aming pagsasama.
But then, Prince left me that day. Hindi ko pa siya tinawagan o kinausap. Ayaw kong istorbohin siya sa project na ginagawa nila.
I sighed deeply. "I just hope, pagdating ng Daddy mo babalik ang lahat sa dati. At makapagsimula kami uli na masaya" ngiting bulong ko sa aking sarili.
I already imagined my life with him. Being with him, makes my whole life perfect. And I will never let him go again.
My phone suddenly rang.
"Yes?" pauna kong tanong rito.
"Ma'am, Mr. Enrique is here. He wants to talk to you po"
"Okay, entertain him for a while. Papunta na ako diyan" saad ko rito bago binaba ang tawag.
Nagbuga ako ng hangin bago tumayo.
"Baby, aalis na muna si Mommy. May trabaho pa na kailangan asikasuhin..." nakangiting sabi ko rito bago umalis.Simula nang tinuon ko ang atensyon sa trabaho, dumadami na ang investor ng Scarlet Beauty. That's why I began to launch our new branch in Visayas and Mindanao. Ginagawa ko itong lahat not just for my self but also, for my family -pamilya na bubuuin namin ni Prince.
Nagsimula na akong magmaneho paalis ng subdivision. Nakababa ang bintana ng aking sasakyan upang makalanghap ako ng sariwang hangin. Hindi ko maiwasang ngumiti sa mga taong nakikita ko. Ang saya nilang panoorin. Nakasalubong ko rin ang isang pamilya na kumakain sa restaurant. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan pati mga anak nila, hindi maipinta ang saya sa mukha.
Bumaba agad ako ng sasakyan nang makarating sa SB. Sinalubong ako ng assistant ko at bakas sa kanyan mukha ang pag-alala.
"What happened?" I asked her.
Umiling siya agad. "Wala po 'to." may halong takot sa kanyang mata.
I sighed. "Your eyes can't lie, Jessica. So tell me what happened." diretsong sabi ko.
"Ka.. kasi.." nauutal siya. "Si Mr. Enrique..." napahawak siya sa kanyang skirt.
"Tsk." napasinghap ako. "Nasaan siya?" agad kong tanong bago umakyat ng hagdan.
"Ma'am, ayos lang po ako. Sorry po---"
I cut her off. "No need to worry about. How dare him to touched my assistant!" diko mapigilang mainis habang naglakad papunta ng conference room.
YOU ARE READING
LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)
Teen FictionSecrets from their past emerge, threatening to tear apart the fragile bond they are forming. Can they overcome their differences and find solace in each other's arms, or will the darkness lurking in their hearts ultimately tear them apart once and f...