15: It was You

315 54 10
                                    

CHAPTER 15

It Was You

SCARLET POV's

I AM here at the balcony thinking about the happenings last time. Pumunta kami ng Marikina at sobrang daming nangyari. We spent 1 night there. Nakilala ko na ang tunay na pamilya ni Tyler. Sobrang galang ng pamilya niya lalo na si Donya Marta.

Pasikreto lang kaming pumunta doon ni Prince. Nalaman na ni Prince ang sikreto ko kay Tyler. At mabuti na lang dahil mapagkatiwalaan siya.

Nangako ako sa pamilya ni Tyler na dalhin siya doon. Ibig sabihin lang nito, kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Hahanap lang ako ng tamang timing. Hindi muna ngayon dahil natatakot ako sa maaring mangyari kay Tyler.

Biglang may kumatok sa pintuan.

"Come inside!" wika ko rito.

"Anak, ayos ka lang ba?" may halong pag-alala sa boses ni Mommy.

Naguguluhan ako kung bakit ang daming nag-alala sa akin. Lalong-lalo na ang mga kinikilos ni Prince. Masyadong nakapagtataka.

Tumango ako. "Yes Mom. I'm always fine." ngiting sabi ko.

"No, you're not. Come here..." lumapit ako sa kanya. "You looked tired again. Pagkauwi mo dito galing Marikina, mukha ka nang pagod. Hindi ka ba natutulog ng maayos doon?" nag-alalang tanong ni Mommy.

Napabuntong hininga ako. "Yes mom. Hindi ako masyadong nakatulog. Ang dami kong iniisip. Pero nung nakaraan lang iyon." malumanay kong wika.

"I told you, take care of yourself. Don't worry about the SB kasi malapit nang matapos iyon."

"Not about the SB mom. It's about something else."

"Lovelife? May problema ba kayo ni Tyler?"

Umiling ako. "Misunderstanding lang po pero maayos naman kami" tugon ko.

"Scarlet, even though malaki ka na. You still need us. Magsabi ka lang kung may problema ka para matulungan kita. Okay?" ngumiti ako at tumango sa sinabi ni Mommy.

"Thank you Mom. I love you" I kissed her cheek.

"Magpahinga ka muna. Bumaba ka lang kung nagugutom ka" paalam niya.

Tumango ako. Pagkalabas niya ng kwarto, agad akong pumunta sa balkonahe at bumalik sa pag-upo.

Huminga ako ng malalim para damhin ang malamig na simoy ng hangin.

My phone suddenly rang. Pumunta ako ng kama at dali-daling kinuha iyon.

"Yes, Pauline?"

"Bes, may maganda akong balitaaa" nailayo ko ang cellphone sa may tenga dahil sa sigaw ni Pauline.

"Ano ang balita?"

"Well, hindi na kami gumagamit ng proteksyon ni Jhon tuwing nag-se-s3x!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"So, what's the point? Magandang balita ba yan? Atsaka, bakit ka napatawag?" walang ganang tanong ko.

"Oh ayan! Wala ka na naman sa mood noh?" bigla niyang napansin ang boses ko.

"Hayst. Sabihin mo na lang kasi.."

"Oh well, napagdesisyunan namin na magkaroon na ng pamilya. Kaya, huwag kang mawala sa kasal namin sa susunod na Linggo!" tuwang sabi niya.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now