09: Congratulations

310 63 40
                                    

CHAPTER 9

Congratulations

SCARLET POV's

NGAYONG ARAW ang kasal ni Jack at Missy. Ang venue ay sa resort nina Pauline. Beach wedding ang pangarap na kasal ni Missy kaya, sobrang memorable ang araw na ito para sa kanya.

Dahil sa lubos na kasiyahan, biglang tumulo ang luha ko. Masaya ako para sa kaibigan ko.

"Do you Jack Miller, take Missy Wang to be your lawfully wedded wife promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face for as long as you both shall alive?"

"I do, father." wika ni Jack.

"Do you Missy Wang, take Jack Miller to be your partner in life and share a path of life with equal in love, promising to honor and cherish her, through good times and bad, until death do you part?"

"Yes, I do." wika naman ni Missy.

'Mabuti pa si Missy, matutupad na niya ang pangarap niyang pamilya kasama si Jack...'

Napatingin-tingin ako sa paligid. Nahagip na naman siya ng mga mata ko. Magkasama silang dalawa ni Marky.

Noong nagsimula ang renovation, lagi siyang nasa site kasama si Samantha. Si Samantha lang ang lumalapit sa akin para mag-report. Ini-imagine ko ang buhay ni Prince pag wala ako sa tabi niya. Masaya naman pala siya pag wala ako.

Ginawa niya nga ang bagay na gusto ko. Tumigil siya sa panliligaw sa akin. Simula nang tumigil siya, hindi na niya ako kinakausap gaya ng ginagawa niya.

Tyler's right. Hindi dapat ako mahulog sa pinapakita ni Prince sa akin. Hindi ko gustong tumigil siya. Pero ginawa niya talaga. Hindi man lang niya ako pinigilan nang sabihin ko iyon sa kanya.

Nagulat ako dahil sa biglaang pagpalakpak ng mga tao.

"Wohoo!" rinig kong sigaw ni Jhon.

"You may now kiss the bride..." binaling ko agad ang tingin ko kina Missy.

Lumawak ang ngiti ko dahil sa nakita.

Biglang umiyak si Pauline sa tabi ko.

"Huhuhu grabe, ang saya ko para kay Missy. Next month aalis na siya dahil manganganak na huhuhu..." I tapped her shoulder.

"Kasi, may bagong buhay na ang kaibigan natin. At pati ikaw rin, malapit ka nang ikasal..." mahinahong sabi ko sa kanya.

She smiled widely. "Hindi lang ako makapaniwala. Ang bilis ng panahon. Noon, mga bata pa tayo. Ngayon, may pamilya na tayong ibu-buo. Excited na rin ako para sa'yo, Scarlet. Sana mahanap mo na yung taong nakatadhana para sa iyo..." ngiting sabi niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti. "Kung meron man, nakahanda akong papasukin siya sa puso ko..." bigla akong napatingin sa kabila. And I saw Tyler. He smiled at me and I smiled back.

Agad kong iniba ang tingin ko dahil nahagip ng mata ko si Prince. Wala na kaming ugnayan. Tanging trabaho na lang. Dahil, tumigil na siya sa panliligaw sa'kin.

"Congratulations!"

"Mrs. Miller ka na!"

"Masaya ako para sa inyo!"

Sabi ng mga tao habang naglalakad ang dalawa sa gitna.

"Scarlet, halika!" bigla akong hinila ni Pauline.

"Bakit?" I asked her.

"Sasaluin pa natin ang bulaklak na ihahagis ni Missy!" tuwang sabi niya.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now