18: Truth

375 56 16
                                    

CHAPTER 18

Truth

SCARLET POV's

I'M HERE at my office, making myself busy. This is just my way to lessen my stress. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang pagbukas ng SB. Naging maganda naman ang takbo ng negosyo. Dumadami na rin yung gustong mag-invest at buyer ng product. Balak kong magtayo ng branch sa Visayas at Mindanao. Pero, nagbabalak pa lang ako.

More of my buyers are from Mindanao. Pero ayos lang dahil active naman lahat ng mga staff ko.

Biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in"

"Ma'am, may new boxes of SB po na dumating galing states." ngumiti ako at kinuha ang inilahad niyang papers.

"Thank you" ngiting sabi ko bago siya umalis.

Binasa ko ang mga nakasulat doon. My grandpa really helped me a lot. Nasa states ang paggawa ng products ko. Hindi na ako mahihirapan dahil, si lolo ang nag-asikaso doon.

'I really missed him...'

Pagkatapos ko sa opisina ay dumiretso ako kina ate Kath. I became busy these past few weeks kaya hindi ko na siya nabibisita.

Bumili ako ng pagkain at mga regalo sa mga anak niya. Ako lang mag-isa ngayon kaya, walang istorbo.

Habang nasa biyahe biglang tumawag si Mommy sa akin.

"Yes, Mom?"

"I just received a good news coming from Mr. Chairman Mendez." halata sa boses niya ang pagka excited.

"What is it?"

"Well, this should be a good news hahaha." natatawa nitong wika.

"Mom, ano nga?" tanong ko.

"We have family dinner tonight!" tuwang sabi niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Alright Mom." tanging nasabi ko.

"Oh by the way, nandito si Tyler kanina"

Natahimik ako bigla at di kalaunan ay nagsalita.

"Why?"

"I don't know. May gusto yatang sabihin. I told him na nasa office ka"

Napabuntong hininga lang ako. Mabuti at hindi siya pumunta dito.

"Anak, I know break up na kayo pero bakit hindi mo na siya kinakausap?" she asked me.

"Mom, I have many things to do now. Bye, see you" diretsong sabi ko bago binaba ang tawag.

Alam na nilang lahat na wala na kami ni Tyler. Even the media knows. Pati nga sa newspaper, yung break up namin nasa front page. Nakakatawa lang dahil hindi ko kayang mamuhay ng tahimik.

Pagkatapos ko sa trabaho, naisipan kong pumunta kina ate Kath. I wanted to visit them. Na-miss ko rin sila. Sobrang busy ko kaya, hindi na ako nakapunta sa bahay nila.

Bumili ako ng pagkain at regalo para sa mga bata.

Ako lang mag-isa kaya tahimik ang buong biyahe.

'Minsan talaga, maganda ang mapag-isa...'

Huminto ako sa tapat ng gate nila ate Kath. Pagkatapos kong mag-doorbell, lumabas ang kanilang kasambahay.

"Nandiyan ba si ate Kath sa loob?" I asked her.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now