31: A father

307 30 15
                                    

CHAPTER 31

A Father

SCARLET POV's


Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba talaga sa kanya? We talked last night. He apologized and begged for my forgiveness. At hindi ko natupad yung pangako ko sa sarili ko na hindi makaramdam ng awa sa kanya. I failed.

And now, kailangan ko siyang kausapin tungkol sa isang bagay na hindi ko masabi kagabi. Pinag-iisipan ko ito ng mabuti noong nakita ko ang mga anak ko pag-uwi na nasa hospital. They need their father.

"Scarlet, where are you going?" Mom asked as I opened the door.

'Sasabihin ko ba sa kanya?'

I gulped and smiled a bit. "Kakain lang sa labas" pagsisinungaling ko.

Bigla siyang nagtaka. "Aalis ka? Habang yung mga bata kagagaling lang ng hospital kagabi?"

Huminga ako ng malalim. "Mom, what should I do? Naguguluhan na ako..." my voice trembled.

"Kaya ka ba nagkaganyan dahil kagabi? O dahil sa mga anak mo?" mahinahong sabi niya.

Hindi ako nagsalita.

Nagbuga siya ng hangin. "Alam ko na ang rason. Sinabi mo sa amin na nag-usap kayo, ano sinabi niya?" tanong niya.

"Well, just like what I've said last night, he apologized. And then, I felt guilt for hiding something." buntong hiningang sabi ko.

"So? Sasabihin mo na ba sa kanya ang totoo?" napatingin ako sa mga mata niya at tumango.

I sighed. "They need their father. Ayaw ko silang itago habangbuhay sa kanya. Tama kayo, may karapatan siya."

Bigla niya akong niyakap. "Tama ang desisyon mo. Tama nga ako, hindi mo magagawa yung sinabi mo noon."

Kinalas ko ang yakap at napahawak sa batok ko. "Nag-usap kami sa harap nang puntod ng anak namin kaya sobra akong nakonsensya. Kahit na alam kong siya dapat ang makonsensya sa pag-iwan niya sa'kin." nanghihina kong wika.

"Scarlet, para sa anak niyo kailangan mo siyang patawarin."

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo pero hindi ibig sabihin na pinapatawad ko na siya. Sa bata lang siya may obligasyon, pero sa akin, wala."

"Sigurado ka ba na hindi mo siya hahayaan na makapasok ulit sa buhay mo?"

"Mom, hindi pa naghilom yung sugat na iniwan niya sa puso ko. Hinahayaan ko lang siyang pumasok sa buhay ng mga anak ko pero wala siyang karapatan sa akin. Iyon lang." seryoso kong tugon.

"Kung saan ka masaya." she checked her watch. "Anong oras kayo magkikita?"

"Mamayang 9 am pa."

Bigla siyang nagulat. "Then, why so prepared? 8 am pa lang."

"I need to talk to Dad. Hindi ko pa siya nasabihan tungkol sa desisyon ko"

"Yeah, you should. Nasa kompanya siya ngayon." tumango ako.

"Mom, kayo na muna bahala sa mga bata. Darating si Lisa maya-maya para magbantay sa kanila" ngiting sabi ko. "By the way Mom, thank you so much for doing this to me. Hindi kayo pumasok sa trabaho dahil sa mga bata----" she cut me off.

"Shh wag mong maliitin ang kakayahan ko. I can do both. Mas gusto ko dito sa bahay kasi nakakasama ko mga apo ko habang nagtatrabaho. May virtual meeting ako with your grandfather. Gusto niya rin makita ang mga bata" lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

Sobrang pagmamahal ang natanggap ko mula sa kanila. At sobrang pagmamahal rin ang natanggap ng mga anak ko sa kanila.

'I loved them so much...'

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now